Cristine nahihiya kay Sarah; Kotse ni Kris binangga ng truck sa Edsa

Bingi kaming mga reporters sa paulit-ulit na pakiusap ni Cristine Reyes sa presscon ng Tumbok na ’wag na siyang tanungin tungkol kay Sarah Geronimo dahil wala sa pelikula ang singer-actress at baka sabihing ginagamit niya ito sa promo ng Viva Films movie niya na showing sa May 4.

“Nakakahiya kay Sarah and I’m happy, friends na kami. Civil kami ’pag nagkikita pero nagbabatian kami ng hi at hello,” sabi ng bidang aktres. “Pangit ’yung pinag-usapan ang isang tao na wala siyang kamalay-malay, ’di ba tama ako?”

Aminado si Cristine na hindi niya magagawa ang ginawa ni Sarah na paglapit sa kanya para makipagbati. Hindi niya naisip na puntahan ito sa dressing room para sila’y magkausap. Hindi alam ni Cristine na may plano ang kapatid na si Ara Mina na magkita silang tatlo ni Sarah para tuluyang maayos ang lahat.

“Baka sinabi lang niya ’yun, baka hindi siya se­r­yoso,” sabi ni Cristine.

Sa tanong kung ano ang natutunan niya sa nangyari sa kanila ni Sarah, “don’t be impulsive” ang sagot ni Cristine. Sa isa pang tanong kung puwede silang magsama ni Sarah sa isang project, “’Wag na munang pag-usap ’yan,” ang sagot niya.

* * *

“Opo” ang deretsong sagot ni Ryza Cenon nang tanungin ng press kung nagalit siya kay Aljur Abrenica during Machete days nila dahil sila ni Bela Padilla ang sinisi ng aktor sa hindi pag-abante ng ratings nang natapos nilang soap.

“Below the belt sa akin ’yun dahil pare-pareho kaming naghirap at nagpagod. Ang feeling ko, imbes na magtulungan ’yun pa ang maririnig ko. Pero tapos na ’yun at wala akong magagawa kung ang tingin niya ’di kami nakatulong sa show.

“Hindi na kami nag-usap ni Aljur pero open ako to work with him again, professional kasi ako,” sabi ni Ryza.

Samantala, active si Ryza sa Twitter na ikampanyang iboto sila ng partner niyang si Ton Vergel de Dios sa Awesome Hunt ng PLDT MyDSL. Sila ang Team Dumaguete at parehong natuwa sa pagsali dahil nakarating sila ng Dumaguete at nakakain ng horse meat na malambot at masarap daw.

Project ng Philippine Long Distance Telephone Co. at Department of Tourism ang Awesome Hunt na promo rin para ipaalam ang bagong 200,000 additional DSL lines sa lugar na nire-represent ng mga contestants. 

* * *

Kahit na-tweet lang, halata ang takot kay Kris Bernal nang banggain ang car nila ng isang truck habang nasa EDSA sila noong Wednesday afternoon. Ang driver ng truck pa ang galit sa nangyari. Hindi na siya pinababa ng mom niya at ito ang nakipag-usap sa driver at pulis.

Anyway, how true na mas una ang pangalan ni Kris kay Aljur Abrenica sa Panday 2? Tingnan nga natin kung mauuna rin ang name niya sa aktor sa billing ng next episode ng Spooky Night Presents.

 Solong guest din pala si Kris ng Full Time Moms this Friday, 5:00 p.m., sa GMA News TV.

Show comments