Matapos ipakilala ng indie actor sa droga, singer/young actor ipapatapon ng magulang sa ibang bansa

MANILA, Philippines - Malapit nang mag-goodbye showbiz ang isang singer/young actor. Babalik na siya sa bansang pinagmulan niya.

Doon na muna siya mananatili bilang parusa sa kanya ng mga magulang dahil napabarkada siya sa isang aktor na madalas lumabas sa pelikulang indie.

Baka nagtataka kayo kung bakit napabarkada lang siya ay paparusahan na siya ng kanyang mga magulang at ipapatapon na sa bansang pinagmulan nila?

Hindi lang naman daw kasi simpleng barkadahan ‘yun. Bukod sa pakiki­pagkaibigan sa aktor na madalas lumabas sa pelikulang indie ay naging magka-jamming pa sila sa ibang bagay, dahilan para maging unprofessional si singer/young actor.

Lately nga ay parang nagiging weird ang ugali ni singer/young actor at nadiskubre nga ng kanyang mga magulang na in-introduce pala ng indie actor ang kanilang anak sa droga.

Ang maganda naman kay singer/young actor, tanggap nito ang parusa at dumistansiya na siya sa aktor na bad influence sa kanya.

* * *

“The original Captain Barbell!” bungad ni Richard Gutierrez nang madatnan niya sa bahay nila sa isang posh village sa Makati City ang uncle niya at veteran actor na si Bob Soler.

Ipinagmalaki nga ni Richard sa mga bisita ng kapatid niyang si Rocky Gutierrez (na binigyan ng ina nilang si Annabelle Rama ng birthday dinner sa kanilang bahay) na uncle niya ang kauna-unahang gumanap na Captain Barbell, ang super hero character naman na ginagampanan niya ngayon sa telefantasya ng GMA 7 na may ganoon ding title.

Nagulat sina Maxene Magalona, ang magkapatid na Paolo at Bubbles Paraiso at iba pang mga bisita nang malamang si Bob ang kauna-unahang gumanap na Captain Barbell at uncle pa ito ng primetime king ng GMA 7.

After ng ilang dekada, may connect pa rin ang kauna-unahang Captain Barbell sa Captain Barbell ngayon.

Samantala, patuloy sa pag-ariba ang rating ng Captain Barbell ni Richard, kaya masaya ang binata.

Pinayagan na rin ng staff nito na magbakasyon sa Amerika si Richard mula May 4 hanggang 14. Manonood si Richard ng Pacquiao vs. Mosley boxing fight sa May 7 sa Las Vegas, Nevada at isasabay na ang pamamasyal.

Bonding time na rin ni Richard ‘yon sa kanyang pamilya dahil pati ang twin-brother niyang si Raymond ay makakasama sa pagpunta nila sa Amerika.

Tanging si Ruffa na abala sa Mga Nagbabagang Bulaklak at Paparazzi ng TV5 ang hindi makakasama sa bakasyon na ‘yon dahil may pasok din sa isang international school ang anak niyang si Lorin Gabriella Bektas.

* * *

Sa birthday dinner pa rin ni Rocky, inusisa ako ni Raymond kung kumusta ang presscon ni Isabelle Diaz Daza noong isang araw na ginanap sa Mesa Grill sa Tomas Morato Avenue, Quezon City na ang isa sa may-ari ay si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na mister ng megastar na si Sharon Cuneta.

At nagulat siya nang sabihin kong magsasayaw si Isabelle sa Party Pilipinas, ang alam kasi ng kaibigan ng anak ni Gloria Diaz, hindi talaga nagsasayaw ang dalaga.

 Ang sabi ko kay Raymond, nangako naman si Isabelle na gagalingan ang pagsasayaw.

Naikuwento rin nga pala ng anak ni Gloria na nagulat ang nanay niya nang mag-decide siyang mag-aral ng pre-medicine noong una.

Ang reaksiyon daw ni Gloria, baka 75 years old na siya ay nag-aaral pa rin si Isabelle, kaya pinayagan na niya itong mag-artista.

Kung si Gloria ang masusunod, na sigurado naman, ng Miss Universe 1969 na ayaw magpa-sexy sa pelikula o kahit na anong TV show ang kanyang anak.

Tama na raw na si Gloria ang nagpa-sexy noon sa una nitong pelikula, ang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Show comments