Wala nang makakapigil sa pagsabak sa showbiz ng anak ni dating Miss Universe Gloria Diaz na si Isabelle. Sementado na ang kontrata niya sa GMA7 matapos siyang pumirma ng tatlong taong exclusive contract kamakailan. Magkakaroon siya ng launching bilang Kapuso star sa Linggo.
Matagal bago siya napapayag na mag-join sa mundo ng kanyang nanay na kinalakihan na niya. In fact, ito pa ang nagi-encourage na pasukin na niya ang showbiz pero pabagu-bago ang isip ng dalaga.Tinapos muna ni Isabelle ang kursong Early Childhood Education. Hindi siya nakuntento sa nasabing kurso kaya kumuha siya ng pre-med - Bachelor of Science in Human Biology. Naging teacher din siya sa isang toddler school.
Pero pabagu-bago nga ang isip niya kaya ngayon, type naman niyang mag-host. “She’s pushing me in showbiz before pa. Pero ako pa ang naghi-hesitate kasi ngayon tri-media na eh. Dapat marunong kang sumayaw, kumanta, umarte, mag-host. Kaya hesitant ako in the beginning,” katuwiran ni Isabelle na 23 years old at mahilig sa sports kaya ang ganda ng katawan.
Sa pagpasok niya sa Kapuso Network, iilan ang leading man na matangkad kaya ang choice niya lang in case na papipiliin siya ng ka-partner, sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.
Malabo siyang ma-link sa dalawang aktor. Ang una si Richard, ayon kay Isabelle ay parang related na sila at si Dingdong ay common knowledge na taken na.
Phil younghusband hindi natakot sa pamilya ni Angel
Say ni John Lloyd Cruz sa isang interview na ang pagiging bahagi niya ng Imortal ay nagsilbing isang journey para sa kanya. “Nung mag-uumpisa pa lang, naisip ko, naku ngayon lang ako papasok sa ganitong genre. I said yes to this project because I feel that it’s a way of giving back to my audience,” pahayag ng aktor.
“My role in Imortal is very memorable. Ngayon lang ako nag-leather jacket sa Maynila.”
Sa kabilang dako, blessing naman para kay Angel Locsin ang maging bahagi ng Imortal. “Blessing po talaga ang maging bahagi ng ganitong klaseng proyekto. Nalulungkot ako siyempre sa pagtatapos pero lahat kami ay masaya sa tagumpay na nakamit ng show. Lubos po ang pasasalamat ko sa lahat ng tumutok sa kuwento,” sabi naman ni Angel.
Laging napapasama sa top five most watched programs nationwide ayon sa Kantar Media/TNS simula pa noong umere ang programa nila.
Ang mga huling tagpo sa Imortal ay iikot sa laban ni Lia (Angel) at Mateo (John Lloyd) para mapanatiling ligtas ang kanilang pagmamahalan. Sa panunumbalik ng mga alaala ni Lia ng pagmamahalan nila ni Mateo, magkakaintindihan at magkakapatawaran ang dalawa. Hindi magtatagal ay ikakasal sila at kalakip ng tagumpay ng kanilang pagmamahalan ay ang nais nilang kapayapaan sa pagitan ng kanilang mga lahi. Sa pag-aakalang maayos na ang lahat, isang bagong propesiya ang uusbong na magiging balakid sa kapayapaang hinahangad ng dalawa. Dahil sa tagumpay ng tambalan nila, maraming nagri-request na sana ay gumawa na rin sila ng pelikula. Pero malabo itong mangyari sa kasalukuyan dahil parehong may ibang direksiyon ang career nila.
Bukod sa magkaibang direksiyon ng career, may kanya-kanya ring lovelife ang dalawa.
Si JLC super in love kay Shaina Magdayao na balitang parating bitbit sa kanyang mga trip abroad habang si Angel ay ipinakilala na sa kanyang ama ang Azkal member na si Phil Younghusband at balitang nagkaka-inlaban na ang dalawa although sinabi ni Angel sa interview ng The Buzz na masyado pang maaga para sabihin kung anong status ng kanilang relasyon.
Peke ang lumabas na balita na namatay na si Isabel Granada kahapon.
“Dear friends, let Isabel Granada be in our thoughts and prayers. Let us be happy that she is with the Lord now in peace with no pain caused by ovarian cancer,” ang unang text na kumalat sa showbiz.
Marami na ang na-sad. Pero maya-maya ay nagti-text na si Isabel : “Whatever text po na na-receive ninyo, I just let you know I’m good po. Thank you po sa concern. Sana humaba pa ang life ko. I couldn’t answer calls/etxt. Sensiya na po. I’m ok po.”
Sus, sino kaya ang may pakana ng mga ganitong text messages.