MANILA, Philippines - “I feel complimented and honored by this album which was produced by no less than a member of The Manhattan Transfer, Janis Siegel,” bungad ni Mr. Jose Mari Chan na sa kauna-unahang pagkakataon ay isang all American group of musicians, arrangers and performers ang gumawa ng musical tribute para sa isang Pinoy artist sa pamamagitan ng album na The Manhattan Connection (The Songs of Jose Mari Chan). Isa itong special collector’s tribute CD kung saan nakapaloob ang 12 songs ni Mr. Chan. Yup, first time ito na nagkaroon ng ganitong tribute ang isang Pinoy singer kaya naman nagdiriwang ang music industry.
Nagsama ang The Manhattan Transfer at international musician at music producer na si Yaron Gershovsky para sa album.
Pinakinggan ko na ang album. At totoo, binigyan ng kakaibang twist ng grupo ang mga original songs ni Mr. Chan. Naging jazzy ang dating.
Kung paano ito nag-umpisa ay ganito - nag-request sina Siegel and Gershovsky ng buong catalogue ng mga sinulat at inawit na kanta ni Jose Mari Chan at namili sila ng 11 na kanta na kanilang ni-rearranged at prinodyus.
Kasama sa mga napili ang Constant Change, Like Night and Day, Thank You, Love, I Have Found My World In You, A Heart’s Journey, Stay, My Love, Easier Said Than Done, Love Lost, Walking In The Moon, So I’ll Go, Spellbound and Constant Change (reprise).
Ginawan na rin ng cover version ang mga kanta ni Jose Mari Chan ng Asian artists na tulad nina Paula Tsui, Sally Yee at Sandy Lam ng Hong Kong, Tomoni Akimoto at Yasuo T ng Japan, Aaron Kwok ng Taiwan at Kamahi ng Australia.
Maging sa local artist ay paborito ang mga kanta ng prolific songwriter - mula kay Celeste Legaspi hanggang kina Sarah Geronimo and Christian Bautista.
Si Mr. Chan din ang may hawak ng prestigious na Diamond Record Awards para sa Constant Change at Double Diamond Record award para sa Christmas in Our Hearts isama pa ang maraming multiple platinum awards ng mga ginawa niyang album.
Ang The Manhattan Transfer naman ay sumikat noong dekada ‘80.
Available na sa Starbucks ang album and locally distributed by Universal Records.