Damit ng mga sikat ibebenta sa Heat Wave...
MANILA, Philippines - Maraming magagandang items ang makikita sa Heat Wave Summer Bazaar dahil dito matatagpuan lahat ng summer essentials mula swimwear at cover-ups hanggang accessories, footwear, at pati na ang best summer getaway deals kung gustong maglakwatsa.
Up and coming entrepreneurs ang magtatampok ng kani-kanilang hip and trendy summer items para sa mga nagpaplano ng summer getaway. Ito rin ang venue para sa Celebrity Ukay-Ukay, ang unang “baby” ng celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, sa pag-o-auction ng kani-kanilang pre-loved belongings pati na ng kanilang mga artistang kaibigan.
Ang mga kikitain sa bazaar ay mapupunta sa long-term endeavors ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) na naglalayong pagtibayin ang kalidad ng edukasyon sa bansa sa pamamagitan ng Kapuso School Development (KSD) project (dating Kapuso School Rehabilitation Project).
Magaganap ang Heat Wave Summer Bazaar mula April 15 -17 sa World Trade Center. Tampok din ang My Best Summer Getaway Photo contest at mga fashion shows, sports clinics, at demos on food treats at refreshments.
For inquiries, tumawag sa Cut Unlimited sa numerong 687-0654 o mag-e-mail sa [email protected].
- Latest