Lovi paiba-iba ng kasama

Lovi Poe is really playing the field. Wala siyang exclusive date. Iba-iba ang mga umeeskort sa kanya sa mga showbiz events. Kaya tuliro ang tao na ipini-point kung sino ang makakapalit sa puso niya kay ex congressman Ronald Singson.

Ngayon, si Fabio Ide naman ang inili-link sa kanya. Isa ito sa mga foreign hunks na gustong sumikat sa local showbiz. Regular itong napapanood sa Comedy Bar, isang pa­labas ng Kapuso Network. Pareho silang Kapuso ni Lovi.

May malaking  crush si Fabio sa anak ni Da King. Balak niyang i-pursue ito. Kahit pa sinasabi na ni Lovi na mas focused siya sa career niya. Aber nga, malaman kung hang­gang kailan tatagal sa kanya si Fabio.

* * *

Nauna nang maging digital ang ABS-CBN. Pero mas mapapansin ang pangunguna nila kung su­sunod sa ginawa nila ang iba pang networks. Kung hindi, baka matagalan pa bago pumayag na maging digital ang manonood. Siyempre, gusto nila na digital muna lahat para makatipid sa digibox. Kung sila lang ang digital, baka matagalan pang maging digiTV ang lahat.

* * *

Mauunahan pa ni Izzy Tirazona na mag-asawa ang kapwa niya Sexbomb na si Rochelle Pangi­linan. Ganito na kaseryoso ang relasyon nila ng StarStruck Avenger na si Alvin Aragon na nakilala nila dahil pareho silang miyembro ng Victory Christian Fellowship. Balitang namanhikan na si Alvin sa nga magulang ni Izzy.

Samantalang ang mas naunang nakipagrelasyon na si Rochelle kay Arthur Solinap ay wala pang balak magpakasal. Career daw muna. At mukha namang kaya nilang hintayin ang isa’t isa.

Show comments