Buhok ni Venus Raj sa Binibining Pilipinas, disaster

Seen : Ang unflattering hairdo ni Venus Raj sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2011. Kasabay ng paglilipat ni Venus ng  korona sa bagong winner ang pagkawala ng kanyang ningning bilang beauty queen dahil sa maling hairdo.

Scene : Nakasira sa telecast ng Bb. Pilipinas 2011 ang paulit-ulit na pagtutok ng mga TV camera sa audience ng Araneta Coliseum. Nagmistulang concert at variety show ang coronation night ng Bb. Pilipinas 2011.

Seen : Sa susunod na linggo pa lang ang Holy Week pero inilabas na ng organizer ng Box-Office King & Queen ang resulta ng winners. Hindi nasunod ang kanilang announcement na magkakaroon pa lamang sila ng deliberations pagkatapos ng Mahal na Araw.

Scene : Naiyak si Krista Kleiner nang ipasa niya kay Dianne Necio ang Bb. Pilipinas-International crown.

Seen : Noted ng sambayanang Pilipino ang mapaghamon na tweet ni Senator Kiko Pangilinan laban kay Willie Revillame : “Willie R. threatens to sue those who criticized him on Twitter. This arrogant, unrepentant and incorrigible TV host has gone too far and should go. Sue me too!”

Scene : Matamlay ang pagpasok ng moviegoers sa mga sinehan ng Tum: My Pledge of Love.

Seen : Ang box-office report ng Mojo International sa mga pelikula na ipinalabas sa mga sinehan sa Pilipinas noong March 23 hanggang March 27.

Show comments