Final na, Vic at Bong Box-Office Kings, AiAi Box-Office Queen

Buntis na buntis na ang hitsura ni Mrs. Regine Velasquez-Alcasid sa Party Pilipinas kahapon. Malapad na ang katawan niya. Halata mong malaki na ang idinagdag ng timbang niya kaya hindi pa bakat ang kanyang tummy. Pero naka-flat shoes na siya.

At bumirit pa rin siya ng mataas sa celebration ng 100 years ng Nestlé.

Pero hanggang natapos ang Party Pilipinas, walang formal announcement na sinabi si Regine tungkol sa issue ng kanyang pagbubuntis.

* * *

Final na. Tapos na ang deliberation ng 42nd Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.  na magkakaroon ng coronation at awards night sa May, 2011, sa RCBC Plaza, Makati City.

Katulad sa naunang lumabas, waging Box-Office Kings sina Vic Sotto and Sen. Bong Revilla, Jr. at Box-Office Queen si AiAi delas Alas.  

Film Actor of the Year si John Lloyd Cruz at Film Actress of the Year si Bea Alonzo.

Hindi man nanalong Box-Office Queen, nasungkit naman ni Toni Gonzaga ang korona ng pagiging Princess of Philippine Movies habang si Prince of Philippine Movies ay si Coco Martin.

Wagi namang Most Promising Male Star of the Year si Matteo Guidicelli at Most Promising Female Star of the Year si Andi Eigenmann. Male Concert Performer of the Year naman si Ogie Alcasid at Female Concert Performer of the Year si Charice.

Male Recording Artist of the Year si Christian Bautista at Female Recording Artist of the Year si Sarah Geronimo.

Ang mga special awardees:

Bert Marcelo Memorial Award: Vice Ganda

Comedy Actor of the Year: John Lapus

Comedy Actress of the Year: Angelica Panganiban

So, wala na itong pagbabago. Official result na ito. 

Show comments