Perfect replacement ni Regine Velasquez si Iza Calzado sa I Heart You Pare dahil bading na bading ito sa production number nila ni Dingdong Dantes sa Party Pilipinas.
Sa husay ni Iza na umarte, kayang-kaya niya na gayahin ang acting ni Regine bilang Tonya/Tonette sa show na iiwanan nito.
Nagpaalam na kahapon si Regine sa kanyang fans. Ang sabi niya, desisyon ng kanyang doktor na magpahinga siya dahil lately, labas-masok siya sa ospital.
Hindi kinumpirma ni Regine ang balita na buntis na ito kaya nag-goodbye muna siya sa showbiz. Pinasalamatan ng singer-actress ang mga bossing ng GMA 7 na nagpakita ng malaking concern sa kanyang kalusugan.
* * *
Naniniwala ako na nasa interesting stage si Regine dahil bukod sa nag-gain siya ng pounds, nagbabago na ang physical appearance niya.
Ewan kung namamalik-mata lang ako pero parang nag-iiba na rin ang hugis ng ilong ni Regine, isang palatandaan kapag buntis ang isang babae.
Kung hindi man inamin ni Regine ang tunay na kalagayan, dapat na maintindihan ng mga fans ang desisyon nila ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.
Sooner or later, sasabihin din nila ang totoo dahil wala naman silang inililihim sa publiko. Baka may hinihintay lang sila bago kumpirmahin ang mga balita na ating nababasa at naririnig.
* * *
At dahil magpapahinga muna si Regine, marami ang nagtatanong kung kasali siya sa BaliKabayani, ang benefit concert ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng kaguluhan sa Middle East. Hindi ko alam ang tumpak na kasagutan pero suportado ni Regine ang lahat ng proyekto ng kanyang asawa.
Kung hindi man mag-perform si Regine sa BaliKabayani, baka sumipot siya sa benefit concert bilang manonood.
Si Ogie ang presidente ng OPM at project niya ang BaliKabayani na gaganapin sa Araneta Coliseum sa April 14. Star-studded ang concert dahil mga sikat na singers ang magtatanghal bilang tulong nila sa mga OFWs na nawalan ng work sa Middle East.
* * *
Nag-promote sa Startalk noong Linggo ang labindalawang bagets na contestants sa Amazing Cooking Kids ng GMA 7.
Take note, karamihan sa mga bagets eh richie rich at halos lahat sila eh nangangarap na maging artista.
Na-meet ko na rin ang kanilang mga magulang. Isang madir ang lumapit sa akin at nag-dialogue na kapag nag-artista ang kanyang anak, ako ang gusto niya na maging manager ng bagets.
Nagmumura ang alahas na suot ng madir kaya sinagot ko siya ng “Ngayon pa lang ima-manage ko na ang career ng anak mo kung ibibigay mo sa akin ang mga alahas mo.”
* * *
“John Silva” ang name ng Internet blogger na idedemanda ng libel ni Papa Rey Espinosa, ang presidente ng TV5.
Ang say ni Papa Rey, ikinumpara ng blogger sa isang pedophile ang Kapatid Network at libelous ang statement. Bilang isang mahusay na abogado, alam ni Papa Rey ang kanyang sinasabi. Siya mismo ang magsasampa ng kaso sa linggong ito.