Bea ayaw sa mga family days dahil 'di nakilala ang ama

Walang nakagisnang ama si Bea Alonzo dahil mula nang ipanganak siya ay ang kanyang Mommy Mary Anne lang ang kanyang kasama at nakilalang magulang.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita o nakikilala ng aktres ang kanyang ama. At aminado siyang mahirap ang lumaki na walang kasamang ama. “Hindi pa, never,” bungad ni Bea. “Mahirap din like I hated family days kasi usually walang nakakapunta. I’m usually absent pagdating sa ganung mga araw sa school. When it comes to the matters of the heart, boys, wala kang matanong.”

 Sinikap naman ng ina ng aktres na gawing normal ang buhay ng anak. “Kaya hindi ko rin hinanap dahil para sa akin ’yung normal ’yung walang tatay. Na-present sa akin ’yung ibang klaseng mundo. In all fairness to my mom, sinasabi niya sa iyo bago ka pa magtanong. Kasi simula ng magkaisip ako, noong nagkaroon ako ng muwang, alam ko na ’yung set up,” dagdag pa ng aktres.

Masaya si Bea sa ginawang pagpapalaki sa kanya ng ina, dahil dito ay naging res­ponsable raw siyang tao. Ang sabi pa ng aktres, siguro kung wala siyang fighter na nanay, wala rin siya sa kinalalagyan nila ngayon.

“Hindi rin naman perfect ’yung relationship namin. We always have problems pero maliliit lang. Siguro, mga tampuhan na every time na maaayos, may natutunan kami pareho sa isa’t isa at nagiging matibay ’yung relasyon namin bilang mag-nanay. Alam ko na we’re both blessed to have each other. Alam mo na magaling talaga si Lord sa pagpapatagpo kung saan ka dapat ilagay,” sabi pa ng young actress.

Julia Montes kinaiinisan ng ina

Namamayagpag ngayon ang career ni Julia Montes dahil sa magaling niyang pagganap bilang Clara sa hit ser­yeng Mara Clara. Kinaiinisan si Julia kahit saan dahil sa kanyang ugali sa nasabing serye. Maging ang sariling ina ng da­laga na deaf-mute ay naiinis na rin sa anak sa tuwing napapanood ito sa telebisyon.

“Gabi-gabi po siya nano­no­od, tuwang-tuwa siya, ’di niya ma-ima­gine na anak niya uma­arte mas­ki naiinis sa akin. Actually, nagsasabi ako, ‘Ma, compliment sa akin iyon na pati ikaw na sarili kong nanay, kilala mo ako pero naiinis ka sa cha­racter ko.’ Mahal na mahal niya ako at proud siya sa akin,” kuwento ni Julia.

Nag-aral si Julia ng sign language para makausap at magkaintindihan sila ng kanyang ina. Samantala, minsan na ring hinanap ni Julia ang kanyang amang German na nag-abandona sa kanilang mag-ina.

“Ang latest kong balita may family na po siyang iba. Hinahanap ko siya, nag-try ako sa social networking sites pero hindi madaling hanapin, ilang years na rin kasi, kung dumating ang point na maha­nap ko siya eh masaya,” sabi ni Julia.

Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments