CBCP nag-react sa issue ng macho dancing

MANILA, Philippines - Nag-react na ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kontrobersiyal na episode ng Willing Willie kung saan sumayaw ng parang isang macho dancer ang isang anim na taong gulang na bata.

 Sa press statement na ipinalabas ng National Secretariat for Social Action (NASSA) ng CBCP, inihayag ng grupo ang kanilang pagkadismaya sa episode na nakitang sumayaw ng macho-dance routine ang anim na taong gulang na batang lalaki na si Jan-Jan Suan.

 Ayon sa statement ng CBCP : “The management and the host of the show brought shame not only to Jan-Jan and his parents but to media practitioners, in general.”

Bukod dito, sumang-ayon din ang CBCP sa panawagan ng ilang kagawaran na imbestigahan ang insidente.

Nananawagan din ang CBCP sa lahat ng sangay ng media.

“We urge all media networks, producers and management to uphold the human dignity at all times to avoid the betrayal of trust that was placed in their shoulders by the innocent young people and their parents. We need to remember that media’s ultimate commitment to corporate social responsibility is determined by the manner they promote the welfare not only of the people who are directly and indirectly involved in their television production but that of their viewers as well,” saad ng statement.

At hindi nakalimutang paalalahanan din ang mga magulang, “We call on parents to remain steadfast in their commitment to securing a safe environment, building a loving home, providing the best possible care and protecting the rights of children. It is your noble task to not only provide for their temporal needs but also nourish their minds and souls. Educate the young with authentic moral values rooted in the dignity of the human person and grow in them pure hearts and minds inspired by the truth of our Catholic faith.”

Samantala, bukod sa Jollibee Food Corporation at Procter & Gamble Philippines, sumunod na sa kanila ang Cebuana Lhullier na pansamantalang nagkansela ng kanilang advertisement placements sa Willing Willie.

Isang araw matapos suspindihin ng P&G Philippines ang kanilang advertising placement sa Willing Willie, nagdesisyon na rin ang management ng Cebuana Lhuillier na pansamantalang kanselahin ang kanilang segment sponsorship na magsisimula sa Lunes, April 11, “while resolution on the matter is pending.”

  Ayon sa pahayag ng Cebuana Lhuillier: “While we support programs that give hope to Filipinos here and abroad, we expect our business partners to promote good values, protect children’s rights and exercise prudence in communicating to the general public.

 “We have taken note of the TV5 management’s official statement and the corrective measures they have taken. We trust that they will ensure that a similar incident will not happen again. We hope that the concerned authorities will resolve this matter soon.” Sa mga nagdaang araw ay nabawasan na ang bilang ng mga advertisements na lumalabas sa pagitan ng mga segments ng Willing Willie.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Kapatid Network tungkol sa mga naging hakbang ng mga advertisers.

Samantala, ang CDO Foodsphere, Inc. naman ay nagpahayag ng kanilang patuloy na pag-sponsor sa programa hanggang sa matapos ang kanilang naunang prior commitment sa network.

Show comments