Kamukha raw ni Pacman? Krista nanganak na!

MANILA, Philippines - Nanganak na pala si Krista Ranillo last Tuesday pa, April 5 ayon sa report ng ABS-CBN.com.

Sa Amerika siya nanganak. First baby ito nila ng asawa niyang si Jefferson Nino Lim na CEO ng Island Pacific Supermarket sa Amerika.

Kinasal sila last August 8 sa isang Jewish-style wedding na sinubukan nilang itago sa media pero hindi rin naman nailihim dahil mainit pa nung mga panahong ‘yun ang issue sa kanila ni Manny Pacquiao.

Pero pinatunayan ni Krista na wala na ang malisyosong kuwento sa kanila ni Pacman sa pama­magitan ng pagpapakasal niya kay Mr. Lim na balitang malapit na kaibigan din ng boxing champiom kaya pinagdudahan din nung una.

Lalaki ang unang anak nila.

Nauna nang sinabi ni Krista na magpapakasal sila sa bansa.

Pero ang running joke ngayon sa sports circle, kamukha raw ni Pacman ang baby ng aktres.

Hahaha. May ganun. 

*   *   *

Akala ng iba, magtitinda na rin si Robin Padilla ng sapatos, damit at kung anik-anik pang personal care products matapos siyang mag-member sa Natasha, kilalang direct selling companies. Hindi kasi endorser ang label niya, kundi member. Pero hindi naman pala.

Naniniwala lang si Robin sa kumpanya na mala­kit ang maitutulong nito para kumita sa malinis na paraan ang marami.

Kilalang masa si Robin kaya siguro napapayag siyang maging member nito.

Kasama naman sa mission niya rito ay ang mga kapatid niya sa Liwanag ng Kapayapaan Foundation (LKF). Yup, ang LKF ang main beneficiary ng partnership ni Robin sa Natasha dahil ang parte ng kanyang kikitain bilang member ay mapupunta sa nasabing foundation. Siyempre, malaki ‘yun dahil siguradong marami siyang suki na bibili under his name.

Isa kasi ang asawa ni Mariel Rodriguez sa mga board members ng LKF kung saan ang presidente ay ang kanyang kapatid na si Rommel. Pinasa niya ito sa kapatid.

Teka kumita ba ang pelikula nilang mag-asawa na Tum : My Pledge of Love?

Sa India pa sila nag-shooting para sa nasabing pelikula na kasama rin sina Ejay Falcon at Queenie Padilla.

After nito, sa TV na mapapanood si Robin ka-partner si Bea Alonzo.

Pero kahit pa sobrang busy may panahon pa raw si Robin sa kanyang Natasha membership. 

*   *   *

Speaking or Robin, certified Kapamilya na ang anak niyang si Queenie. Kamakailan lang ay pumirma ito ng kontrata sa Star Magic.

Actually, para sa isang baguhan, bongga na ang umpisa ni Queenie. Una siyang napanood sa Momay and since then, hindi na siya nawala sa eksena.

Ngayon ay tuloy ang pagpo-promote ni Queenie ng Tum… kung saan gumanap siyang  Hindu. Actually maganda ang role niya sa pelikula at na-justify niya. “Ok po ‘yung experience. Nakita ko ‘yung kultura ng India. Interesting at marami po akong natutuhan,” sabi ng anak ng aktor na nakita ng showbiz kung paano lumaki ang shy and pretty daughter girl na si Queenie.

Show comments