^

PSN Showbiz

Roller coaster na sinakyan ni Vice Ganda sa Singapore tumirik

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Hindi natin napanood si Vice Ganda sa Showtime noong Lu­nes at Martes dahil kinailangan niyang pumunta sa Singapore para mag-show doon.

Sobrang na-touch ang komedyante dahil naging very successful ang pinuntahang event.

“Maraming-maraming sala­mat sa matiyagang pumila kasi hapon ’yung show ko, alas-tres. Sobrang init pero ang haba-haba talaga ng pila. Sobrang daming tao, ’tapos ang daming hindi nakapasok. Hopefully makabalik po ako sa Singapore, magkaroon ng repeat ’yung show,” pahayag ni Vice.

Hindi ito ang una niyang pagkakataon na nakapunta sa Singapore pero kino-consider niya na ito ang pinaka-memorable. Na-enjoy niya ng husto ang ilang araw niya sa naturang bansa.

“Ito ’yung pinakamatagal kong stay sa Singa­pore kasi usually kapag pumupunta ako, after the show bumabalik na agad ako sa Pilipinas. Nag­punta ako ng Universal Studios, pinanood ko ’yung Streetboys na sobrang bongga! Nakaka-proud. Tapos na-try ko na ’yung mummy,” kuwento ni Vice.

Hinding-hindi makakalimutan ni Vice ang experience sa pagsakay niya sa tallest dueling coaster sa buong mundo, ang Battlestar Galactica na ma­ta­tagpuan din sa Universal Studios sa Singapore.

“Kasi nakasakay na ako doon sa roller coaster, umandar na siya slight ’tapos nahinto, ang tagal-tagal, nagkakagulo na. Nasira pala kaya pinababa kami,” pagdedetalye ni Vice.

Hindi naman siya gaanong natakot sa nangyari dahil hilig naman niya ang ganitong mga bagay. “Mahilig ako sa mga nakakashokot na experience na ganun eh pero okay naman, bonggang safe na nakauwi ako,” sabi ng komedyante.

Bruno Mars gustong magka-girlfriend ng pinay

Kagabi ay napuno ang Araneta Coliseum dahil sa concert ng Filipino-Ame­rican singer na si Bruno Mars.

Sold out din ang kanyang concert sa Wa­ter­front Hotel sa Cebu noong Huwebes.

Sobrang proud ng singer sa pagiging Filipino niya.

“I’m proud to be Pinoy and whenever I am on stage, I think of all the Filipinos,” pahayag ni Bruno Mars.

Single pa rin hanggang ngayon ang international singer at hindi malayong ma-in love siya sa isang Filipina. “Bruno Mars is single, very single. One day a Filipina will make my heart beat,” natatawang pahayag ng Grammy winner.

Pokwang at Melai magpapatalbugan sa MMK

Mamayang gabi ay kakaibang Pokwang ang mapapanood natin sa longest running drama antho­logy in Asia, ang Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan ni Pokwang ang papel ni Carol, isang babaeng ipinaampon ng kanyang ina. Nang lumaki at nasa tamang edad na si Carol ay naharap din siya sa parehong sitwasyon.

Maitatama kaya niya ang landas na dinaanan ng kanyang anak at mapatawad ang sariling ina? Makakasama rin ni Pokie sa nasabing episode si Melai Cantiveros na gumanap naman bilang mas batang Carol.  

Reports from JAMES C. CANTOS

AKO

ARANETA COLISEUM

BATTLESTAR GALACTICA

BRUNO MARS

FILIPINA

POKWANG

SHY

SOBRANG

UNIVERSAL STUDIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with