Life and Style nagpaiba-iba na ng title
MANILA, Philippines - Pagdating sa usapang kagandahan, wala nang tatalo pa kay Ricky Reyes. Pruweba ang halos 40 salon niya sa iba-ibang lugar ng Pilipinas sa mahigit dalawang dekadang itinakbo ng kanyang programang pang-telebisyon.
Nagsimula siya sa Beauty School at Beauty School Plus sa RPN-9. Lumipat siya sa QTV-11 at ang programa’y naging Parlor Games na ginawang Gandang Ricky Reyes. At ngayo’y Life And Style With Gandang Ricky Reyes sa GMA News TV-11 na umeere tuwing Sabado alas-onse ng umaga.
At sa tagal niya sa ere, maraming award na rin ang nakamit niya dahil sa nasabing programa.
“Bonus na lang ang mga ’yun para sa aming mga nasa likod ng programa. Nakatataba ng puso na kahit saan, anong araw o oras ipalabas ang show ay sinusundan ito ng mga manonood. ‘Di naman sa pagmamalaki, ha? May captive audience raw ang ating programa,” sabi ni Mader Ricky.
Abangan din ang maraming payo tungkol sa summer wear, skin protection at pati wastong ayos ng buhok at make up ngayong bakasyon sa kanyang programa ngayong Sabado.
- Latest