^

PSN Showbiz

Mga bata hahataw na sa kusina

-

MANILA, Philippines - Papatunayan ng mga batang may edad 9 hanggang 12 na hindi hadlang ang kabataan, taas o sukat ng kamay pagdating sa pagluluto sa Amazing Cooking Kids ng GMA 7.

Yes, meron na ring cooking show para sa mga bata na iho-host ni Carmina Villarroel - isang reality cooking competition para sa mga batang nag-aambisyon na maging chefs balang araw.

Layunin ng programa na magkaroon ng fun at friendly cooking environment para maipakita ng mga bata ang kanilang galing sa pagluluto at madagdagan ang kanilang kaalaman sa kusina.

Sa auditions na naganap sa SM Hypermarket Sucat at SM Hypermarket Fairview last month, pinatikim ng mga aspiring kiddie cooks ang kanilang signature dishes — mula Filipino food tulad ng adobo at binagoongan hanggang Mediterranean-style chicken at kebabs.

Ang mga natanggap sa auditions ay nagpatuloy sa isang cook-off kung saan sinukat ang kanilang cooking ability, plating skills at personality. Dito na nagka­alaman kung sino ang 12 pinakamagaling na ngayon ay finalists na sa cooking competition.

Linggu-linggo, magkakaroon ng cooking at skills challenges na huhusgahan ng tatlong respetadong chefs. Ang chef judges na ito ang magdedesisyon kung sino ang mananatili para sa next round at kung sino ang magpapaalam na.

 Siguradong masaya, cute at katakam-takam ang Saturday mornings sa Amazing Cooking Kids, kung saan kahit matatanda ay matututong magluto mula sa mga bata. Simula na ito sa Abril 16 na mapapanood tuwing Sabado, 11:15 a.m., sa GMA 7.

Si Carmina ba marunong magluto? Di ba dapat as a host, marunong din siya?

Say ng manager niyang si Tita Dolor Guevarra, mga madadaling luto ang kaya ng alaga niya. Besides, hindi nga naman daw siya magluluto sa show, host lang.

ABRIL

AMAZING COOKING KIDS

CARMINA VILLARROEL

COOKING

DITO

DOLOR GUEVARRA

HYPERMARKET FAIRVIEW

HYPERMARKET SUCAT

SI CARMINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with