Daiana kinasuhan ng BIR
Scene : Naunahan ng Amazing Cooking Kids ang Junior Master Chef Pinoy Edition, ang cooking show ng ABS-CBN para sa mga bata.
Si Judy Ann Santos ang host ng Junior Master Chef Pinoy Edition.
Seen : Ang paliwanag ni Daiana Menezes sa tax evasion case ng BIR laban sa kanya : “The issue about my taxes is being addressed and I have been paying my taxes religiously. In fact, I am bound to pay before the April 15 deadline. I may be Brazilian --but as someone working here in the Philippines, I am always respectful of its laws and policies.”
Scene : Nahaharap din sa tax evasion case na nagkakahalaga ng P73.85 million si Ang Galing partylist Representative Mikey Arroyo at ang kanyang misis na si Angela Montenegro.
Seen : Magkasama sina Representative Mikey Arroyo at Angela sa birthday mass para kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa San Agustin Church, Lubao, Pampanga.
Hindi totoo ang mga balita na hiwalay na sila.
Scene : Kahapon ang 26th birthday ni KC Concepcion at 45th birthday ni Richard Gomez.
Seen : Si Gretchen Barretto habang nasa shopping spree sa Siam Paragon, Bangkok, Thailand noong Miyerkules.
Scene : Haggard-looking si Alice Dixson sa mga eksena niya sa Babaeng Hampaslupa dahil sa madalas na pagpupuyat sa tapings.
- Latest