KC at Piolo parehong nasarapan!

MANILA, Philippines - Wala na talagang makakaawat pa sa superstar couple na sina Piolo Pascual at KC Concepcion, ‘di lamang sa pag-amin sa tunay nilang nararamdaman sa isa’t isa kundi maging sa pagsasabing Century Corned Tuna ang only choice nila!

Sino ba namang hindi magiging proud maging bahagi ng Century family at mga fit at fab na mga endorsers nito? “Pareho ka­ming busy kaya nung i-offer sa amin na magkasama kami sa isang   project, game na agad,” ani Piolo.

Enjoy naman ang dalawa sa shooting nila sa Subic lalo’t memorable sa kanila ang lugar na ito. “Dito kasi ako dinala ni PJ last February 15 for a post-Valentine’s Day date,” saad naman ni KC.

Parehong healthy at active, buo ang loob ng dalawa sa pagsasabing alam nila na iba ang samahan nila sa iba, tulad na lamang ng malinaw na kaibahan ng Century Corned Tuna sa ibang corned tuna brands. 

Nang tanungin kung maaasahan din ng kanilang mga fans na sila ay magtatagal tulad ng ilang taong paghahatid ng Century Canning Corporation ng tanging the best quality tuna, nagtinginan lamang sina KC at Piolo at napangiti. Sa halip na sagutin ng diretsahan, isang makahulugang sagot na lamang ang binitawan ni KC habang nakatitig sa mga mata ni Piolo. “Basta. Wala nang sasarap pa.”

Show comments