Christian gustong hubaran ni Kris sa beach

Tuwang-tuwa si Kris Aquino nang makita for the first time sa launching ng album niyang My Heart’s Journey ng Universal Records, ang supot ng Boardwalk na kanyang ini-endorse na mukha niya ang nakalagay, kaya humingi ng marami.

Ikinatuwa rin nito ang maraming tarpaulin ng Pet­ron, still another endorsement, na nakakalat sa lahat ng sulok ng Metro Manila. Tinupad daw ang pangako sa kanya, kaya masaya ito.

Bukod sa release ng album na tiyak mabilis maggu-gold sa ganda ng mga songs at ma-emote na panulat ni Kris, nabanggit nitong inulit niya ang recording ‘pag may bago siyang naiisip at based sa kanyang emotion.

Ibinalita ni Kris na tuloy na sa May ang TV show nila ni Ted Failon, kaya hindi na kailangang mag-dinner pa sila’t madadalas ang pagkikita nila once nagsimula na ang talk show na wala pang title.

Tuloy na rin ang pelikulang pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes at sila rin ang producers kasama ang respective managers nilang sina Deo Endrinal at Perry Lansigan. Pang-Metro Manila Film Festival daw ito.

Itutuloy din ni Kris ang balak na idirek ang music video nila ni Christian Bautista para sa kantang Love Moves In Mysterious Way  na kasama sa album.

“Gusto kong ma-experience magdirek at tutulungan ako ni direk Steven (‘di namin nakuha ang surname). Malay n’yo may talent ako ‘dun kasi alam ko ang anggulo. Punta kami ng beach para walang shirt si Christian na ang laki nang iginanda ng katawan,” wika ni Kris na sinundan ng tawa.

* * *

Ginulat ng isang actress na may sweet image ang reporter na nakakita sa kanyang sunud-sunod ang paninigarilyo. Sanay na ang reporter na maka­kita ng mga artistang babae na naninigarilyo kahit ‘yung mga menor de edad.

Ang ikinagulat ng reporter, sunud-sunod ang hitit ng aktres ng sigarilyo at hindi pa man nauubos ang hawak na yosi, naka-ready na ang sunod na hihithitin. Hindi alam ng reporter kung stress o tense lang ang aktres that time, pero hindi siya magandang tingnan that time.

Nagtatanong ang reporter kung alam ng boyfriend ng aktres ang bisyo ng nobya at kung hindi nito pinapayuhan ang GF na tumigil. ‘Kaloka dahil ang actor BF ng aktres ay hindi naninigarilyo at healthy living ang pinapraktis.

* * *

Natawa kami sa nabasang tweet ni Richard Gomez last Tuesdy evening na may kinalaman sa time slot ng Mga Nagbabagang Bulaklak, kung saan siya kasama at gumaganap sa role ni Mr. A.

Sabi ni Richard: “It’s almost 10pm., hindi pa tapos ang Willing Willie. Watch Mga Nagbabagang Bulaklak at around 12am., later! Hahaha!

Hindi naman siguro magtatampo si Willie sa tweet ni Goma dahil mukhang nagbibiro at good friends sila. Pero totoong late na ang pasok ng nasabing  dramaserye dahil after Willing Willie, eere pa ang Babaeng Hampaslupa. Kaya maganda ang ginawa ng TV5 na ilipat ng morning slot ang Juicy dahil sobrang late na ang pasok at hindi na mahintay kahit ‘yung mahihilig sa balitang showbiz.

* * *

Si Cesar Montano rin pala ang director ng movie nila sa Viva Films ni Robin Padilla na may tentative title na Sa Ngalan ng Pag-ibig. May 10-day shooting sila sa Canton, China at ipalalabas dito at sa China ang pelikula. Hindi na si Anne Curtis, kundi si Sam Pinto na ang leading lady ni Cesar. Hindi nabanggit kung sino ang makakapareha ni Robin.

Samantala, open si Cesar na mag-promote ng kanyang self-titled album sa Sony Music sa key cities ng bansa pati sa Metro Manila. Ang Darating Ang Araw ang carrier single ng nine-track album.

Show comments