Tsaka pala ang nanay ng isang sikat na personalidad. “Nakita mo na ba, naku bakekang na bakekang,” sabi ng isang nagkukuwento.
British ang ama ng sikat na male personality at Pinay ang nanay na nilalait nga dahil nga raw sa katsakahan. Hindi pa gaanong visible ang nanay ng sikat na personality at iilan pa lang ang nakakakita rito kaya niya nakuwento.
Actually, maraming artista sa kasalukuyan na hindi raw kagandahan ang mga nanay pero dahil foreigner ang kanilang mga ama, ang gaganda nilang lumabas.
Iniisa-isa ng kausap namin kahapon kung sino ba ang mga artistang ‘yun at nakakagulat ha.
Belong sa grupo ang isang aktres na British din ang ama na sikat ngayon, isa pang aktres na ang ganda rin ng hitsura at isang aktor na sikat na sikat sa kasalukuyan.
Oo nga. Bigla kaming napaisip na walang bakas sa hitsura nila na hindi masyadong kagandahan ang kanilang mga nanay.
Actually, hindi naman sila namintas, napagkuwentuhan lang.
Kaya nga ‘di ba ang daming Pinay na nag-aambisyon na mag-asawa ng foreigner dahil hoping sila na paglaki, malaki ang posibilidad na lalabas na maganda ang kanilang mga anak at puwedeng pang-showbiz.
* * *
Dumarami na talaga ang mga taong kinokondena ang ginawa ng programang Willing Willie sa anim na taong gulang na bata na pinasayaw na parang macho dancer with matching paliyad-liyad pa.
Maging ang dating chairperson ng CCP at dating advertising guru na si Ms. Emily Abrera ay ini-encourage ang ibang advertisers na sundan ang ginawa ng ilang kumpanya na pag-pull out ng advertisement sa nasabing programa.
“I laud their action. That is the action that advertisers should do,” sabi ni Ms. Abrera sa interview ng ABS-CBN.com na isa rin sa mga punong abala sa BaliKabayani concert sa Araneta Coliseum kasama sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano sa April 14.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa naturang kaso ng programa.
* * *
Kasama sa bagong album ni Cesar Montano ang Awit ni Melvin.
Tanong tuloy ni Tita Lolit Solis : “Sino ba si Melvin? “Si Melvin, siya ‘yung nalason sa kamoteng kahoy sa Bohol,” sabi ng aktor na sa true lang ay mas mukhang bumata ngayon.
Isa si Melvin sa maraming bata na nalason ng kamoteng kahoy na ibinibenta ng isang lola sa isang elementary school sa Bohol. “Dinalaw ko minsan ang eskuwelahan at nakita ko ‘yung mga litrato nila. Sabi ko, sino ‘yun. Si Melvin daw. Na kung hindi sana nalason ay ga-graduate na may honor,” pag-alala ni Cesar.
Nauna nang ginawang pelikula ang nasabing insidente sa Bohol.
Sayang at hindi pa nagagawa ni Cesar ang kanta bago ipalabas ang pelikula. Swak sana ang sinulat na kanta ni Noel Cabangon na kasama nga sa album.
Special din sa kanya ang kanta dahil nakita rin niya ang hirap na pinagdaanan ng pamilya ni Melvin sa nangyari.
Bukod sa Awit ni Melvin, kasama sa album ang anim pang original songs mula sa self-titled album under Sony Music - Darating Ang Araw, Patawarin, Para Sa ‘Yo Lamang, Bago Maging Bato, Andres De Saya at may revival, ang Panahon Na Naman (original ng River Maya) Oh Babe and Love.
Darating ang Araw ang carrier single na sinulat ni Ramos Nestor Cajipe mula sa arrangement ni Benjie Pating.
Naririnig na sa mga FM radio ang kanta.
Bukod sa album, nag-taping na rin si Cesar ng comedy show niya sa GMA 7, Andres de Saya na every Saturday mapapanood. Meron din siyang movie with Robin Padilla titled Sa Ngalan ng Pag-Ibig na siya ang nagsulat at magdidirek bukod pa sa pagiging bida nila ni Robin sa pelikula.
Bukod sa album, TV show and movie, naghahanda na rin siya ng mga new art collection para sa isa na namang art exhibit niya sa Amerika this year.
Nauna na siyang nagkaroon ng art exhibit noong 2009.