^

PSN Showbiz

Pagbitay kay Beth Tamayo, tsismis lang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Katsipan ang tsismis na napagkamalan na si Beth Tamayo ang Overseas Filipino Worker (OFW) na binitay sa China dahil sa drug trafficking.

Matagal nang hindi active sa showbiz si Beth kaya nag-one plus one ang mga tsismosa na baka siya ang Elizabeth Batain na binitay sa China.

Alive na alive si Beth Tamayo at may regular commu­nication siya sa kanyang mga kaibigan na makapagpapatunay na wala siya sa China.

Walang nakakaalam sa hitsura ni Batain dahil walang ibinigay na litrato niya sa media ang kanyang mga kamag-anak. Hindi rin sila nagpainterbyu, isang bagay na hinangaan ko dahil pinahalagahan nila ang kanilang privacy. Naiuwi na ang mga labi ni Elizabeth sa bayan nila sa Quezon pero hindi ito natunugan ng media.

Pero para ikalat ang tsismis na iisang tao si Beth at Elizabeth dahil magkapareho ang kanilang mga pangalan, isa itong malaking katsipan.

Hindi nga active si Beth sa showbiz pero nakakausap siya ng kanyang mga kakilala na nakakaalam sa kinaroroonan niya. Nag-grant si Beth ng interview sa YES! magazine tungkol sa love life nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz ‘no! 

Ito ang maliwanag na ebidensiya na hindi siya nakulong o nakakulong sa China or else, hindi siya makakausap ng staff ng YES!

Ayoko sanang patulan ang isyu dahil katsipan nga pero dapat mabuksan ang isip ng mga nagkalat ng tsismis, lalo na ang mga napaniwala na iisang tao sina Beth at Elizabeth.

* * *

Pinapatugtog na pala sa mga radio stations ang Darating ang Araw, ang carrier single ng album ni Cesar Montano sa Sony Music.

Instant favorite daw ng mga DJs ang Darating ang Araw dahil maganda ang lyrics at melody nito.

Kahapon ang grand launch ng album ni Cesar sa Sony Music at idinaos ito sa kanyang Bellissimo restaurant sa Morato Avenue, Quezon City.

Nasarapan ako sa mga pagkain na inihanda ni Cesar at hit na hit sa press people ang pizza pie ng Bellissimo. Type ko sana na mag-take two at mag-take home ng pizza pero limited ito. 

Totoong artist si Cesar dahil mahusay siyang mag-painting, magaling umarte, marunong kumanta, at  may talent sa pagtugtog ng mga musical instruments.

Live na inawit ni Cesar ang tatlong kanta mula sa kanyang self-titled album. Nagtaka ako dahil knows ng ibang mga reporters ang kanta na Patawarin na kinanta pala ni Cesar nang mag-guest ito sa concert ni AiAi delas Alas sa Zirkoh.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, gagamitin ang Patawarin bilang theme song ng Andres de Saya, ang sitcom ni Cesar na malapit nang mapanood sa GMA 7. Ipinapakita na ang teaser ng TV remake ng pelikula na pinagbidahan noon ni Vic Vargas.

Kasama ni Cesar sa presscon ang kanyang mga anak na babae na mahiyain pero halata na interesado rin sa showbiz.

Hindi nakapagtataka kung maging artista rin balang-araw ang mga anak ni Cesar dahil nasa dugo nila ang pag-arte.

Ang anak na si Diego ang unang susunod sa yapak ni Cesar dahil kasali na ang bagets sa cast ng Mara Clara.

Lumaki sa Australia si Diego kaya may accent ang pagsasalita niya ng wikang Tagalog. Kampante si Cesar na masasanay si Diego sa wikang Pinoy dahil fast learner ang anak niya kay Teresa Loyzaga. Ang apelyido ng kanyang madir at hindi ang family name ni Cesar ang gagamitin ni Diego bilang screen name.                                              

ARAW

BELLISSIMO

BETH TAMAYO

CESAR

DAHIL

SONY MUSIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with