^

PSN Showbiz

Piolo-Kim movie 'di na tuloy

- Veronica R. Samio -

Sandaling panahon na lamang at ilulunsad na ng ABS-CBN ang kanilang digital TV operations. Naghihintay na lamang ito ng go signal mula sa National Telecommunications Commissions (NTC) at goodbye analog at help digital na sila.

Wala nang malabong reception, lahat ng prog­­­­­­­­r­a­­­­ma ay mai-enjoy na nila dahil sa mas malinaw ng la­hat ang panoorin at maging ang sound. Parang na­nonood na ng DVD. Ang pagsabog ng bus nun sa Mula sa Puso, ang mga musical numbers sa ASAP Rocks at maging ang mga balita sa TV Patrol ay lalong magiging mas kapana-panabik, makulay at malinaw.

Inaasahang susunod na ang ibang mga networks sa pagiging digital dahil sa kautusan ng NTC na lahat ay maging digital bago matapos ang 2015.

Ang DTV ay ‘di tulad ng cable o satellite na bina­ba­yaran ng regular. Isang digibox lang ang kaila­ngan at one time na pagbayad at okay na, digital ka na!

* * *

Sayang at hindi na pala matutuloy ang pelikulang gagawin ni Kim Chiu kasama si Piolo Pascual. May nauna na palang pelikula na gagawin si Piolo kaya kahit nalulungkot ay walang magawa si Kim.

Marami pang panahon para matuloy ang pagtatambal nila.

Sa ngayon, pinag-iisipan niya ng mabuti kung mag­­tutuloy siya ng college. Isang malaking accomplishment na niya ang makatapos ng high school na kahit mahirap ay talagang pinangatawanan niya.

Hinihintay din ng marami at sinusubaybayan ang kanyang lovelife. After Gerald Anderson parang nawala ang focus niya rito. At kung si Angel Locsin found an interesting man via the internet, ganito rin ang inaasahan ng lahat kay Kim simula nang magsabi ng interes sa kanya ang basketball player ng La Salle na si Simon Atkins. Pero hindi pa sila nagkikita kaya wala pang ligawang nagaganap.

“Mabuti nga huwag muna. Tama na ‘yung friends muna kami, tulad ni Renz (Fernandez) at Enchong (Dee),” pag-iwas niya.

* * *

Artista na rin pala ang mga anak ni Direk Carlo Ca­pa­ras at Donna Villa na sina CJ at Peach Caparas. Magsisimulang mapanood ang dalawa sa isang ser­ye na gagawin ng TV5 na sinulat ng kanilang ama, ang Bangis na tatampukan nina Oyo Sotto at Danita Paner.

Isang action adventure ito na susubok sa galing ni Oyo sa action. Pagda­ting kasi sa drama ay naipakita na niya ang kanyang galing. First time nila ito ni Danita na excited na makasama ang anak ni Vic Sotto na matagal na niyang nababalitaan ang intensity sa pag-arte. At bagaman at mami-miss niya si JC de Vera, mas mabibigyan ng paghihiwalay nila ng proyekto ang lalim ng kanilang samahan.

ANGEL LOCSIN

CARLO CA

DANITA PANER

DONNA VILLA

GERALD ANDERSON

ISANG

KIM CHIU

LA SALLE

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSIONS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with