MANILA, Philippines - Nanguna ang Kap’s Amazing Stories, ang informative at educational weekend program ni Senador Ramon ‘‘Bong’’ Revilla, Jr., sa mga palabas sa GMA noong Linggo (Abril 3).
Sa 17 pang-Linggong programa ng Kapuso Channel, nakapagtala ang Kap’s Amazing Stories ng pinakamataas na household viewership sa taglay nitong 22.2% rating. Ito ay base sa Mega-Manila overnight ratings na nakalap ng Nielsen TV Audience Management.
Natalo rin ng programa ang katapat na palabas.
Simula nang umere noong 2007, consistent na matatag at malakas ang Kap’s Amazing Stories sa Sunday line-up ng GMA.
Kaya nga kahit na bakasyon, hindi kailangang itigil ang pagdaragdag ng kaalaman. Patuloy na matuto tungkol sa planetang Earth sa paghahatid ni Sen. Bong ng mga kamangha-manghang impormasyon tungkol sa cohabitants ng mga tao, from pole to pole.
Panoorin ang Kap’s Amazing Stories tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.
Sino si Frijolito?
Kung naantig at kinagiliwan sina Santino, Momay, at Mutya, tiyak mapapamahal din kayo sa pinakabagong anghel na tutunaw sa inyong mga puso sa simula - si Frijolito na nakilala na noong Lunes.
Kilalanin pa ang batang bagama’t nangungulila sa amang hindi pa nakakagisnan,ay walang anumang bakas ng galit o kasamaan at sa halip pawang pagmamahal at kagandahang loob lamang ang pinapakita sa lahat.
Isang mariachi singer ang kanyang inang si Margarita habang ang kanyang tunay na ama na si Ignacio ay kakatapos lamang mag-aral ng medisina nang mabago ang kanilang buhay dahil sa isang gabi ng pagkakamaling kanilang pinagsaluhan. Malaki ang pagsisisi ni Margarita sa pangyayari ngunit tila habangbuhay niya na itong dadalhin sa kanyang alaala dahil nag-iwan ito sa kaniya ng isang permanenteng bakas—isang sanggol.
Papalakihin mag-isa ni Margarita ang anak na pinangalanan niyang Frijolito at matapos ang anim na taon, magkukrus sa unang pagkakataon ang landas ng bata at ng kanyang tunay na amang si Ignacio.
Ano ang mangyayari sa muling paghaharap nina Margarita at Ignacio?
Tampok sa bilang boses ni Frijolito ang Goin ’Bulilit kid na si Angelo Garcia kasama rin ang iba pang celebrity kid dubbers na sina Miguel de Guzman, Angel Sy at Hopia.
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng makulay na kuwento ni “Frijolito,” 4PM sa ABS-CBN.