Direk Joel tuloy ang laban sa dating gobyerno!

Patuloy sa kanyang paggawa ng mga advocacy films ang direktor na si Joel Lamangan. Kasunod ng Dukot at Sigwa na parehong nag-iikot ng Pilipinas at maging sa ibang bansa, may bago na naman siyang ginawa, isa namang political thriller na nagpapakita na maraming peryodista, manunulat at brodkaster, ang walang habas na pinapatay. Matapang na tinalakay sa movie ang problemang ito at kung sino ang responsable rito.

Pinamagatang Deadline (The Reign of Impunity), isinisiwalat ni Direk Joel, mula sa istorya ni Bonifacio Ilagan ang isyu ng media killings at warlordism sa bansa.

Ayon sa statistics, nangunguna ang Pilipinas bilang mapanganib na bansa para sa mga peryodista. Tinalo na natin ang Iran sa bilang ng media killings ma­tapos pumutok ang trahedya ng Maguindanao Massacre.

Maraming artista ang unang inalok para lumabas sa pelikula. Marami sa kanila ang tumanggi dahil sa takot. In fairness may mga gusto pero may nauna nang trabaho. Hindi naman mahintay ng pelikula ang availability nila. May mga inalok din para unang magprodyus nito, pero ang kasalukuyang prodyuser ang tumanggap ng proyekto ni Joel.

Fresh from his triumph for his fine performance in Sigwa na nagbigay sa kanya ng best supporting actor award, bida naman ang role ni Tirso Cruz III bilang isang corrupt governor ng isang fictitious town sa Mindanao na walang pakun­dangan kung pumatay. 

Isa namang corrupt newspaper columnist si TJ Trinidad pero nangunguna sa kanyang propesyon. Magiging saksi siya sa kabulukan ng pulitika at bayarang peryodismo. Isa namang committed Muslim journalist si Allen Dizon na nalagay sa panganib ang buhay pati ang kanyang mga mahal sa buhay. Si Ina Feleo ang ill fated journalist na girlfriend ni Allen. Si Luis Alandy ang activist/journalist na misteryosong napatay. At si Lovi Poe ang TV broadcaster na ipi­nag­­­patuloy ang krusada ng kanyang napatay na peryodistang boyfriend (Luis Alandy).

Naki­pagtulungan ang NUJP (National Union of Journalists of the Philippines), College Editors Guild of the Philippines at Asian Congress for Media and Communications.

Inaasahang lilikha ng kontrobersiya ang mga pinatatamaang personalidad pati na ang mga sitwasyong ipinakikita sa pelikula.

Maja may pa-party para kay Matteo

Mabubulilyaso ang pinakukulong chickboy image ni Matteo Guidicelli kapag inamin nila ni Maja Salvador ang kanilang ‘relasyon.’ Bukod sa isusumpa siya ng mga fans ni  Sarah Geronimo na sinasabing isa sa mga nagugustuhan niya, bibiguin din niya ang mga fans nila ni Maja.

Mabuti na lamang at pinalulutang pa lamang sila ni Sarah nang biglang lumitaw ang isang anak ng pulitiko. Nawala kay Matteo ang pagiging potensiyal na suitor ng Pop Princess. At maging ang pagli-link sa kanila ni Maja. Kundi lagot sana siya sa mga  Popsters at maging sa lumalaking bilang ng tagasubaybay ni Maja.

With Sarah out of the way specially with the politican’s son coming home from studies in the US, Matteo is now free again to pursue Maja. Katuna­yan, bibigyan siya ni Maja ng isang belated b-day celebration. Kung andiyan si Sarah magagawa kaya ito ni Maja?

Aljur kinakawawa ni Direk

Napaka-unfair ang ginagawa ng isang direktor sa TV na sigurado akong isang Kapuso kay Aljur Abrenica. Tinatawag daw nitong Machete ang acting ng kanyang artista kapag hindi sila nakakaarte ng mabuti. Obviously ang tinutuloy nito ay ang kinokonsidera niyang wooden acting ni Aljur sa katatapos nitong serye.

You don’t do this to your kapwa Kapuso, direk. You’re supposed to encourage him to do better. Hindi kailangan ni Aljur ang panlalait mo, pinakikinaba­ngan din siya ng istasyon.

Bakit kaya pinapayagan ng GMA na lait-laitin ang artista nila? Gaano ba siya kagaling na direktor para makalusot siya sa masamang gawain niya? Hay direk, mag-isip- isip ka naman.

Show comments