^

PSN Showbiz

Reklamo sa inabusong bata, parang tsunami ang epekto

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Nagsimula na pala kahapon ang imbestigasyon ng MTRCB sa pangu­nguna ni Chairman Grace Poe-Llamanzares sa issue ng pang-aabuso umano ng programang Willing Willie sa anim na taong gulang na bata na si Jan Jan Suan.

Sa interview kay Chairman Llamanzares, sinabi niyang imbitado ang mga concerned citizen na makinig sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.

Pero bawal ang live coverage katulad ng sa Senate at Congress dahil puwede raw itong maka-distract lalo na sa mga taong magbibigay ng kanilang mga paliwanag sa issue.

Sa kanilang website lang magkakaroon ng update.

Parang tsunami ang lakas ng epekto sa marami nang ginawang pagsayaw na parang isang macho dancer ng anim na taong gulang na bata sa programa para kumita ng halagang P10,000.

Nauna nang nag-sorry ang TV5 at ang host ng programa pero consistent ang programa sa pagsasabing wala silang kasalanan at ipinakita pa nila ang isang video pa na nagsasayaw ng malaswa ang bata nung apat na taon gulang pa lang ito - na isa pang mas matibay na ebidensiya na exploited nga ang bata at tino-tolerate ng magulang at ang the height pinagkakitaan pa imbes na sawayin.

Sinabi ng magulang ng bata na wala silang nakikitang exploitation sa nangyari pero ayon kay MTRCB Chairman Llamanzares kung ‘yun ang tingin ng mga magulang ng bata, ang gobyerno na ang makikialam dahil menor de edad si Janjan.

Walang bahid ang kredibilidad ni Chairman kaya walang puwedeng mag­sabi na nakikisawsaw lang siya sa issue.

o0o

Bongga, tapos na ang mga araw ng pagtitiyaga ng marami sa panonood sa TV na malabong-malabo ang reception at isa o dalawang channel lang ang nakukuha particular na sa maraming lugar sa probinsiya.

Naalala ko noon sa Bicol na nagpalagay na kami ng antenna sa bubong ng bahay namin na two floors, meaning medyo mataas na, pero malabo pa rin at parang umuulan-ulan ang nasasagap na reception. Pero dahil hindi pa uso ang cable noon, nagtitiyaga kaming manood sa TV kahit super labo.

Kaya nga masuwerte ngayon dahil kahapon ay ibinalita ng ABS-CBN ang pagbebenta nila ng Digibox kasabay ng pagbubukas ng limang bagong libreng channel.

Yup, ang Digital Television ay isang gadget na inilalagay sa kahit anong klase ng television, kahit daw nabili sa surplus, para maging malinaw ang reception ng mga TV kahit sa liblib na lugar.

Kasabay ng pagbebenta ng Digibox ang mga bagong channel na ilu­lunsad ng ABS-CBN - dalawang channel para sa mga chikiting, isa para sa mga teenagers, isa para sa mga tatay at ang isa ay para sa mga nanay.

Pinaliwanag ni Mr. Miguel Mercado, mas malinaw ang reception at audio ng mga palabas kung ikukumpara sa analog system na ginagamit sa ngayon.

Mas maliit daw ang espasyong kinukuha sa frequency ng DTV. Dahil dito, puwedeng mag-ere ang isang istasyon sa higit sa isang channel. Puwede ring dagdagan ng istas­yon ang mga programang mapapanood.

Dagdag pa ni Mr. Miguel, Head ng Marketing ng ABS-CBN DTV, handa ang ABS-CBN sa paglipat sa digital TV ngayong taon. Hinihintay lang nila ang permiso mula sa National Telecommunications Commission (NTC).

 “Ngayong papunta sa digital ang Philippine broadcasting industry, ‘di na kailangan ng publiko na magtiis sa malabong reception, nakakahilong picture quality at pangit na audio,” sabi ni Mercado.

Sa ngayon, kabilang dito ang Channel 2, Studio 23, GEM TV, at NBN4.

Inaasahang ang ibang mga brodkaster ay susunod dahil sa kautusan ng NTC na maging all-digital ang local broadcasting industry bago matapos ang 2015.

Oras daw na mag-umpisa na ito, makiki-level up na tayo sa U.S., Japan, Australia, South Korea, at karamihan ng mga bansa sa Europe na naka-DTV na.

Taong 2007 pa ito pinaghahandaan ng ABS-CBN ayon kay Mr. Mercado kung saan nagsagawa sila ng testing sa 1,000 na bahay sa buong Pilipinas.

Ang advantage pala ng DTV, walang monthly subscription katulad ng cable. Kapresyo lang daw ito ng isang DVD player pero wala pa silang binibigay ng eksaktong halaga.

Teka ready na ba rin sa digital TV ang GMA 7 and TV5? Malamang.                                           

* * *

Speaking of Bicol, pinapaki ng brother kong si Ronnie Asis ang pasasalamat kay Sta. Elena, Camarines Norte Mayor Dominador Mendoza na isa ring masugod na rea­der ng PSN and PM (Pang Masa).

Special thanks also to Ninang Dolores Mulato sa pagbabasa ng PSN at PM.                    

CAMARINES NORTE MAYOR

CHAIRMAN LLAMANZARES

DIGIBOX

DIGITAL TELEVISION

DOLORES MULATO

DOMINADOR MENDOZA

GRACE POE-LLAMANZARES

JAN JAN SUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with