MANILA, Philippines - Mula sa matagumpay na ASAP ROCKS CEBU show na nasaksihan ng mahigit 60 thousand kampamilya — muling papalaot ang ASAP ROCKS sa isang unstoppable revolution ngayong Linggo. Abangan ang natatanging surpresa simula umpisa hanggang finale.
Love revolution
Ang Queen of all Media, Kris Aquino, ay may handog na bagong album. Pakinggan at saksihan ang mga makabagbag-damdaming mga awitin sa My Hearts Journey kasama ang mga ASAP artists.
Tatapak sa ASAP centerstage ang hottest couple na sina Robin Padilla and Mariel Rodriguez para sa ‘‘TUM: My Pledge Of Love’’ romantic launch.
Supahdance revolution
Abangan ang pagsibol ng SUPAHDANCE revolution.
Back to back SUPAHDANCE spectacle kasama sina Bea Alonzo, Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Plus Anne Curtis, Sam Milby at Jericho Rosales. Dance showdown nina Rayver Cruz at Cristine Reyes. SUPAHDANCE Crew at Dance U kasama si Teacher Georcelle.
Concert revolution
Sasabog na ang Concert Revolution sa superb performance collaboration mula kina Gary V. at Sarah G!
Ang original Kilabot Ng Mga Kolehiyala, Ariel Rivera magbabalik sa ASAP centerstage kasama ang ASAP’s finalist balladeers. Plus the best acoustic experience mula sa ASAP Acoustic Republic.
All out revolution
Special birthday performance mula sa bagong ASAP Kapamilya, KC Concepcion. Ipaparamdam ng TFC ang haplos ng pagmamahal sa bawat kapamilya sa bawat panig ng mundo sa pagdiriwang ng ika-17 Anniversary nito at sa paglulunsad ng bagong Station ID.
Kapamilya Gold revolution kasama ang cast ng Mula Sa Puso. Abangan ang pinakabagong surpresa mula sa inyong mga ASAP Kapamilya ngayong Linggo, 12:15 ng tanghali.