^

PSN Showbiz

Kaya pala panay ang pa-check-up Regine, buntis na

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagsinungaling ang isang young actress sa sinasabing never pa siyang nagka-boyfriend at magbo-boyfriend lang siya when she turns 18 years old next year. Pilit na itinatago ng young actress na sa una niyang pakikipag-relasyon, pinagsabay pa niyang sagutin ang dalawang aktor na kasama niya sa show.

Ang nakakaloka, si young actress pa ang nagalit nang malaman ng isa sa dalawa niyang boyfriend na dalawa pala silang nobyo. Kapag natatanong tungkol kay Actor A, sumasama agad ang face ng dalaga at sinasabing galit siya sa aktor. Si Actor B naman ay pa-smile-smile lang at hindi nagsasalita.

May mga suitors ang young actress at dalawa ang pinakamalapit sa kanya. Maulit kaya ang nangyari at sabay din niyang dyowain ang dalawang aktor?

* * *

Hindi naman siguro nagsisinungaling ang source namin sa tsikang buntis na si Regine Velasquez, pero hindi nabanggit kung ilang weeks na itong preggy, basta buntis at naalala naming nagpa-check up ito kamakailan dahil madalas magkasakit.

Kung kumpirmado ang pagbubuntis ni Regine, siguradong tuwang-tuwa si Ogie Alcasid at ang pamilya ni Songbird na natatandaan naming ang wedding wish ng ama niyang si Mang Gerry ay magbuntis agad ang anak.

Naalala rin naming nabanggit ni Ogie na ’pag nagbuntis si Regine, hindi muna itutuloy ang kanilang honeymoon na naka-schedule sa June. Maraming trabaho rin ni Regine ang pansamantalang ititigil dahil gusto ni Ogie na magpahinga ang asawa kapag nagbuntis.

* * *

Pak! Pak! My Dr. Kwak ang title ng movie nina Vic Sotto at Bea Alonzo na showing sa April 23, Black Saturday. Kasama ng dalawa sina Pokwang, Wally Bayola, at Jose Manalo at marami pang iba sa direction ni Tony Reyes.

Karamihan sa kasama sa pelikula ay first time nakatrabaho ni Bea at nag-enjoy ito ng husto sa shooting. Masayang katrabaho si Vic at wala silang ginawa sa shooting kundi tumawa. Tsika nito, excited siya laging mag-report sa shooting at kahit tapos na ang kanyang mga eksena, ayaw pa niyang umuwi.

Pati sina Direk Tony, Wally, at Jose ay ngayon lang nakatrabaho ni Bea, pero kung ituring siya ng mga ito ay parang matagal nang kakilala at masarap ang feeling na kahit bago siya sa grupo ay welcome siya.

Ang hindi pa masagot ni Bea ay kung magpo-promote siya ng movie sa Eat…Bulaga dahil wala pang sinasabi sa kanya ang Star Cinema na kasama ang M-Zet Films at OctoArts Films ay co-produ­cer ng pelikula.

* * *

Ibinalita ni Michelle Madrigal sa Twitter na inalis ang manggas ng costume niya sa Captain Barbell. “I feel sexy-Anita a.k.a. Cyclone,” say niya. Pinoste pa nito ang bago niyang picture na naka-costume minus the sleeves at mas sexy na nga ang dating niya.

Lumabas na ang karakter ni Michelle sa Thursday episode ng Captain Barbell bilang si Anita na iniligtas ng bidang superhero nang mabangga ang car ng tren. Magkakaroon siya ng power at nakatutunaw ang mga labi at mala-asido ang halik.

ACTOR A

ANITA

BEA

BEA ALONZO

BLACK SATURDAY

CAPTAIN BARBELL

DIREK TONY

DR. KWAK

JOSE MANALO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with