Kris gagastusan ang movie nila ni Dingdong
Hindi maapektuhan si Aljur Abrenica kung lumutang man ang sinasabing magandang relasyon nila ni Kylie Padilla, kahit pa sabihing hindi pabor dito si Robin Padilla. Wala naman kasing ka-loveteam ngayon si Aljur pero si Kylie ay sinisimulan pang ipareha kay Derrick Monasterio, for sure sira agad ang plano ng GMA 7 sa kanila. Kaya naman may obligasyon silang itago ang anumang personal na pangyayari sa buhay nila for the sake of their careers. Pero paano nila maililihim kung sunud-sunod ang dating ng intriga sa kanila na ang pinaka-main event ay ang pagtutol ng ama ni Kylie hindi lamang kay Aljur kundi sa lahat ng manliligaw sa anak?
Puwede silang magkaroon ng ka-loveteam pero hindi ng boyfriend. Hindi payag si Binoe. And this goes too for Kylie’s sis, Queenie.
* * *
O kayong mga fans pagkakataon n’yo nang maipakita sa iniidolo n’yong artista ang inyong suporta.
Samahan silang tumakbo sa All Star Kapuso Fun Run na sigurado akong sasalihan ng lahat ng Kapuso artist.
I’m sure maa-appreciate ng inyong mga hinahangaang artista kapag nakita nila kayo sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia dahil makatutulong kayo sa mga proyekto ng Kapuso Foundation kung saan mapupunta ang kikitain sa fun run.
Mas malalim na pagsuporta ito kesa ‘yung mga walang kawawaang pakikipag-away sa mga rival fan groups at pananakot na hindi susuportahan ang mga artista kapag ayaw n’yo ang kapareha nila.
* * *
Matutuloy na rin pala ang pagtatambal nina Kris Aquino at Dingdong Dantes na matagal nang pinaplano pero ngayon lang magkakaroon ng katuparan.
Nag-meeting na sina Kris at Dingdong kahapon, kasama ang kani-kanilang mga manager para mapag-usapan ang lahat ng detalye sa proyekto na planong isali sa Metro Manila Film Festival.
Sila Kris at Dingdong na ang co-producer ng movie, hindi na tuloy ang pagsali ng GMA Films dahil may kontrata si Kris sa Star Cinema at ABS-CBN.
- Latest