MANILA, Philippines - Iniimbitahan ng Colt 45 ang mga babae at lalaking gitarista, 18 to 35 years old na sumali sa Colt 45’s Shred to Slam Nationwide Competition 2011.
Ang mga contestant ay dapat walang existing contract sa kahit anong major record label. Mag-register agad sa colt45shredtoslam@yahoo.com to sign up para sa upcoming regional competitions.
Ipadala ang inyong name, age, gender, musical bio-data na may kasamang litrato at kung saang regional competition kayo sasali. Ang unang 45 registrants per region lang ang papayagang makasali.
Ang regional competitions ay gagawin sa Capone’s (Makati) for the Greater Manila region sa April 1, Maxi’s Bar, Cagayan de Oro for Mindanao sa April 2; Brad’s Bar in Olongapo for Northern Luzon sa April 8; Harrison Park, Cebu for the Visayas sa April 9 at Amnesia Bar, Laguna for Southern Luzon sa April 15. Mula 4 p.m. to 8 p.m. ang screening.
Ang sasali ay kailangang mag-prepare ng two-minute performance plus 11 bottle-caps of Colt 45 at bio-data with photo.
Limang libo ang premyo ng regional winners at kasali na siya sa national competition sa April 16 sa Capone’s, Makati. Sagot ng Colt 45 at Air Philippines ang kanyang accommodation at pocket money.
Ang grand prize ay mananalo ng P20,000 at magpe-perform sa Pulp Summer Slam kasama ng magagaling na gitarista ng bansa. 1st and 2nd runner-ups will get P10,000 and P5,000. Bibigyan din ng VIP tickets para sa Pulp Summer Slam at gift packs from Colt 45.
May P50 discount sa Pulp Summer Slam ticket para sa gustong manood kung magdadala ng 11 Colt 45 crowns. Puwede rin itong ipalit sa Colt 45 Lords of the Loud CD compilation featuring 10 of the country’s best hardcore, metal rock acts such as Skychurch, Bad Burn, Arcadia, Intolerant, Valley of Chrome and many more.