^

PSN Showbiz

Ogie abala sa kawanggawa kesa gumawa ng bata?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

MANILA, Philippines - Bising-bisi ngayon si Ogie Alcasid sa kawanggawa.

Bukod kasi sa pangunguna nilang mag-asawa - Regine Velasquez sa Celebrity Ukay-Ukay na ang kikitain ay ibibigay sa Kapuso Foundation at ang target na malikom ay P35 million, may isa pa siyang malaking proyektong pinagkakaabalahan - ang BaliKaBayani! - A Benefit Concert for OFWs na gaganapin sa April 14 (Thursday) mula 7:30 hanggang 10:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Ang nasabing proyekto ay ginawa para makalikom ng halagang P10 million para sa mga OFWs na nagbabalik-bansa dahil sa mga nangyayaring gulo sa iba’t ibang bansa.

Pero nakaipon na raw sila ayon sa isang organizer ng at least P6 million kaya apat na milyon na lang ang target nilang kitain sa gaganaping concert na suportado ng maraming singer.

Ang kabisihan kaya ni Ogie sa kawanggawa ang dahilan kaya hindi pa sila magka-baby ng asawa niyang si Regine?

Sa rami ng mga kawanggawa ng singer/actor, puwede na siyang mag-senador pero consistent siya sa pagsasabing wala siyang planong pasukin ang pulitika.

Si Ogie ang head ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) at nag-volunteer na makiisa sa proyekto.

UNICEF kumilos na rin laban sa batang inabuso

Tumugon na rin ang UNICEF sa maraming reklamo sa episode ng programang Willing Willie na mas maraming nakapanood sa You Tube na pag-tolerate sa pagsasayaw ng malaswa ng isang anim na taong gulang na bata para kumita ng pera.

Kahapon ay naglabas sila ng statement bilang pag-kondena rin sa nasabing kalaswaan sa bata na tinolerate ng host ng programa at maging ng magulang nito na ang naging katuwiran ay naghahanap lang naman ng pera ang kanilang anak na kabaliktaran sa tamang sistema dahil ang magulang dapat ang naghahanap ng pera sa anak at hindi ang anak para sa kanyang magulang.

Marami nang naunang bumatikos sa nangyari lalo na ang mga ordinaryong ina na napanood ang episode sa You Tube.

“This statement is in response to the many inquiries we have received in relation to the six year old boy who was subjected to ridicule and humiliation on the primetime show Willing Willie on TV5.

“UNICEF fully supports the actions taken by the DSWD and Commission on Human Rights and other concerned groups to ensure the child’s right to protection from exploitation and abuse and to counsel the family involved in this incident.

“UNICEF is also advocating for the media, particularly for the broadcast TV networks, to take a careful look at the values and behaviors that are being promoted in some of their programs. 

“Under Article 19 of the Convention on the Rights of the Child, CRC, the most widely adopted human rights treaty in the world, it states that:

“Children must be protected from all forms of physical or mental violence, injury or abuse, neglect or negligent treatment, maltreatment or exploitation, including sexual abuse, while in the care of parent(s), legal guardian(s) or any other person who has the care of the child.

“The CRC also provides for prevention and for identification, reporting, referral, investigation, treatment and follow-up of instances of child maltreatment described heretofore, and, as appropriate, for judicial involvement.

“In the Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas (KBP) Broadcast Code of 2007, Article 11 on Children’s Programs and Welfare provides for:

“The airing of programs that would help children to develop to their full physical and mental and social potential shall be encouraged.

“Programs shall not depict inappropriate sexual subjects or violent actions.

“No material that are physically, mentally, morally and psychologically harmful to children shall be aired. 

“The power of television to influence and shape public attitude and opinion is incomparable. UNICEF is willing to work with concerned agencies and institutions to promote best practices on how children should be treated and depicted both as guests and actors in the media.”

Kilala ang UNICEF sa pagtulong sa mga bata at nagsisilbi sila sa halos 150 na bansa at territories para maka-survive.

Sila ang pinakamalaking provider ng vaccines sa maraming bansa na hindi gaanong maunlad at sumusuporta sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata, maayos na tubig at sanitation, quality basic education at proteksiyon sa mga kabataan laban sa violence, exploitation at AIDS.

Family Feud ni Edu eere na!

Simula na sa Lunes, Abril 4, ang nagbabalik sa ere na Family Feud : The Showdown Edition.

This time, tampok ang expert na sa pagho-host ng ganitong klase ng programa, si Edu Manzano na kilalang game show master.

Doble ang saya at excitement dahil dinagdagan na pala ng bagong segments at twists ang programa bukod pa sa naglalakihang bonus prizes at giveaways. Ilan sa mga pagbabago ay ang pagkakaroon ng wider selection of contestants, nakakatawang survey questions at enhanced visual elements para gawing enjoyable ang tunggalian ng bawat pamilya. 

Magkakaroon din ng ‘pampa-init’ segment kung saan may pagkakataon si Edu na makipagbatuhan ng jokes at makipagkuwentuhan sa mga contestant at studio audiences.

Bukod sa pagbabalik ng Pass or Play option, ilulunsad ng pinakabagong season ng Family Feud ang bonus feature na SweepHeart kung saan makakakuha ng additional cash rewards ang pamilyang makakasagot ng lahat ng tamang answers sa board.

Panoorin ang Family Feud: The Showdown Edition simula Abril 4, Lunes hanggang Biyernes 10:30 a.m. pagkatapos ng Star Box sa GMA 7

Wendell non-exclusive ang contract sa Kapatid, puwede pa sa Kapuso

Wala naman palang kontrata si Wendell Ramos sa GMA 7 kaya ok lang talaga na lumipat siya sa TV5. At least sa kanyang bagong network, sigurado ang trabaho niya at pasok na siya sa kauna-unahang dramaserye ng TV5 na Babaeng Hampaslupa kung saan gaganap siya bilang Harry Bautista, isang hired gunman na ‘di malaong gugulo sa pag-iibigang Anastacia See (Alice Dixson) at Charles Wong (Jay Manalo).

 Si Harry ang inatasan upang patayin si Atty. Jefferson Go (Eric Quizon) at gamit ang taglay niyang pagiging matipuno at guwapo, ang kanyang susunod na trabaho ay ang paibigin si Anastacia at patayin din ito. “Gusto ko lang ng ibang network,” sagot niya nang tanungin sa naging rason ng kanyang paglipat. Dalawang taon at non-exclusive ang contract niya sa Kapatid Network kaya puwede pa siya sa Kapuso.

 

ABRIL

ALICE DIXSON

FAMILY FEUD

SHOWDOWN EDITION

WILLING WILLIE

YOU TUBE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with