Dennis at Jennylyn hindi uli kayang mag-usap

Nag-invite ng press people ang GMA 7 sa anniversary show ng Party Pilipinas sa Studio 7 ng GMA 7.

Ang mga kilos ng ex-lovers na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang binantayan ng mga reporter. May mga nagsabi na hindi nagpapansinan ang dalawa at understandable ‘yon dahil mag-iisang buwan pa lamang sila na hiwalay.

Mahirap ang katayuan nina Dennis at Jennylyn dahil hindi pa sila fully-recovered sa kanilang break-up.

Normal lang na maka-feel sila ng pagkailang, lalo’ t nararamdaman nila na nakatutok sa kanila ang atensiyon ng mga tao sa loob ng studio.

May mga hindi naniniwala sa isyu na pinagse­selosan ni Jennylyn ang mga eksena nina Dennis at Heart Evangelista sa Dwarfina kaya isa ito sa mga pinag-aawayan nila ng kanyang ex-boyfriend.

Imposible raw na magselos si Jennylyn kay Dennis dahil alam niya na in love na in love si Heart kay Daniel Matsunaga.

Totoong mahirap ang pinagdaraanan ngayon ni Jennylyn. Hindi madali ang mag-nurse ng broken heart pero survivor siya.

Nalampasan nga niya ang mga heartaches ng break up nila noon nina Mark Herras at Patrick Garcia noh.

Kasama raw kahapon ni Jennylyn sa Party Pilipinas ang kanyang ina at anak.

Malaking tulong ang bagets para malibang si Jennylyn. Maibubuhos niya ang atensiyon sa anak para maging madali ang paglimot sa sad episode ng kanyang lovelife.

Makatutulong din ang maraming trabaho para maka-move on si Jennylyn mula sa muling pagkasawi niya sa pag-ibig.

Mark undisputed bad boy ng dance floor

Bumilib ako sa magandang presentation kahapon ng Party Pilipinas kaya ito ang tinutukan ko mula umpisa hanggang ending.

Halos kumpleto ang mga artista ng GMA 7 sa Party Pilipinas dahil kahapon nga ang unang anibersaryo ng show.

Bongga ang mga production number, pati na ang set sa GMA 7 studio at ang mga stage sa Cebu, Baguio, at Davao.

Type ko ang mga dance number ni Mark Herras na muling pinatunayan na siya pa rin ang undisputed bad boy sa dance floor.

Handang-handa na si Mark at ang Kapuso stars na makakasama niya sa danceserye na malapit nang mapanood.

Anak ng pulitiko may alok na mag-showbiz

Nag-text sa akin kahapon ang aking favorite friend na itatago ko sa pangalan na P.T. Ang sey ni P.T., nabasa niya sa isang newspaper ang item tungkol kina Sarah Geronimo at Miguel Villafuerte, ang anak ni Camarines Sur Governor LRay Villafuerte.

With matching kilig sa text message ng aking source dahil para sa kanya, bagay sa isa’t isa sina Sarah at Miguel.

Si Miguel na kaya ang maging future boyfriend ni Sarah?

Ang balita ko, may nag-aalok kay Miguel na mag-artista. Ewan ko lang kung interesado siya. Papayagan kaya si Miguel ng kanyang fadir na nagpasikat sa probinsiya ng Camarines Sur?

Close friends kahit may relasyon na...

Madalas na nakikita na magkasama sina Enzo Pineda at Louise delos Reyes.

Close friends ang statement ng dalawang bagets sa showbiz press pero sure ako na mauuwi rin sa relasyon ang kanilang special friendship.

Parehong kumikislap ang mga mata nina Enzo at Louise kapag tinutukso sila sa isa’t isa no! 

Show comments