Prinsesa papipiliin kung uunahin ang love sa duty

MANILA, Philippines - Isang engrandeng pagsalubong ang mangyayari ngayong Lunes para sa biggest Korean drama ng taon ang My Princess. Nandito na ang bagong kakikiligan, tututukan, at pag-uusapan ng bayan starring one of Asia’s premiere actor Song Seung Hun bilang Ethan at Korea’s most beautiful woman Kim Tae Hee bilang Lizelle.

 Paano kung ang isang ordinary working student na nagpapanggap bilang prinsesa ay tunay palang prinsesa?

Ang pangarap ni Lizelle na makasama ang kanyang ama ay tuluyang mawawala nang malamang pumanaw na ito. Pero ang mas ikakagulat niya ay isa pala siyang tunay na prinsesa! Makikilala niya ang isang diplomat na si Ethan, mayaman at apo ng taong nagpahirap sa kanilang mag-ama.

Tatanggapin ni Lizelle ang hamon bilang isang prin­sesa para malinis ang pangalan ng kanyang ama. Pero hindi ito magiging madali dahil gagawin naman ni Ethan ang lahat huwag lamang mapunta sa Royal Family ang nakagisnang yaman.

Sa kabila ng mala-aso’t pusang bangayan, mangyayari ang isang bagay na ’di inaasahan nina Ethan at Lizelle — ang ma-in love sa isa’t isa.

Ano ang pipiliin ni Lizelle? Ang kanyang tungkulin bilang prinsesa o ang isinisigaw ng kanyang puso? Magawa kaya ni Ethan na iwan ang lahat para kay Lizelle?

Experience 100% kilig sa kuwento ng My Princess, ngayong Lunes na, March 28, 5 p.m. sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN bago mag-Mula sa Puso.

Show comments