^

PSN Showbiz

'Relasyon' kay Kylie, idinenay ni Aljur

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Pramis, malayo ang mararating ng bandang Major Seven. Impressive ang unang album nila  self-titled.

Actually, dalawa na ang nakuha kong album nila  isang Love Song Collection at ito ngang debut album nila featuring Pandesal at Pinoy Idol na paborito na ng marami ngayon.

Pop rock ang genre ng grupo na binubuo nina Bobbie Mabilog, Nico Evangelista, Joseph “Brad” Mabilog, Marice Isidro, Angelo Cristobal, and Maane Isidro.

Para sa isang baguhang grupo, bongga na ang album nila na pinakinggan ko talaga.

Sa kanilang debut album  nakapaloob ang 12 songs  Pandesal, Mr. Moon, Brad, Foolish Girl, Te Amo, Pinoy Idol, Faith at limang minus one version ng kanta nila.

Sa Love Song Collection  11 songs ang kasama  Peyton, Your Smile, Maria at Ibarra, Te Amo, Mr. Moon, Faith, Blue Star, at limang minus one ng lima ring kanta nilang nabanggit.

Ang maganda sa grupo, kaya nilang magsulat ng mga sarili nilang kanta.

Magkapatid ang dalawa sa banda na sina Marice at Maane na parehong enjoy sa kanilang ginagawa.

Mga bagets pa ang dalawang ito pero hindi naman daw nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral. “Bina-balance po namin,” sabi Maane.

*   *   *

Walang inamin si Aljur Abrenica tungkol sa nababalitang relasyon nila ni Kylie Padilla. Ito ay kahit isa si Kylie sa mga pinakamaagang bisita sa surprise party for him na organized ng GMA Artists Center (GMAAC) the other night.

“Magkaibigan lang talaga kami, wala talaga,” say ng aktor na gulat na gulat sa nasabing party dahil bukod sa mga bossing ng GMAAC na pinangungunahan ni Ms. Ida Henares, marami pang ibang alaga ng GMAAC ang dumating para batiin siya.

Pero siyempre, may kulitan portion tungkol sa nasabing issue dahil baka any moment nga naman ay umamin ang aktor, pero sadly wala talagang na­piga sa kanya.

Ang OK lang sa sinabi niya, inamin naman niyang gusto niya si Kylie, ’yun nga lang hindi pa panahon para magkaroon sila ng relasyon.

Samantala, wala pang bagong assign­ment si Aljur pagkatapos ng Machete. “Wala pa akong alam,” mabilis niyang sagot.

Pero may pelikula naman siyang gagawin  dalawa pa  Temptation Island and Ang Panday.

Ngayon puro pagpapaganda ng katawan ang pinagkakaabalahan niya  meaning gym and Muay Thai.

*   *   *

Very vocal si Lea Salonga sa pagsuporta sa napaka-kontrobersiyal na RH Bill.

Kahit sa kanyang Twitter account ay nagsasabi ng kanyang pananaw ang Broadway star sa issue na mainit na pinag-uusapan sa kasalukuyan.

“I’d add this to the curriculum: take care of a real baby for 1 week. WITHOUT handing it off to a yaya or parent.

“And one more lesson : When you have sex w/ someone, you have sex w/ EVERYONE ELSE they had sex w/. Scary prospect, but true.”

ALJUR ABRENICA

ANGELO CRISTOBAL

ARTISTS CENTER

BLUE STAR

BOBBIE MABILOG

MR. MOON

PINOY IDOL

TE AMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with