Chris Tiu, host ng Man vs. Beast

MANILA, Philippines - Siguradong susubaybayan ng mga tagahanga ni Chris Tiu ang bago niyang programa sa GMA 7, ang Man vs. Beast. Mapapanood ito tuwing Sabado simula Marso 26.

Kilala si Chris bilang isang disiplinadong athlete, youth role model at young achiever. Identified na rin siya bilang host ng infotainment shows sa GMA.

Mula Pinoy Records hanggang Ripley’s Believe It or Not, maging sa Hanep Buhay, napatunayan na ni Chris na isa siyang credible source ng information at entertainment.

Sa kanyang bagong show na Man vs. Beast, ipapakita ni Chris ang videos tungkol sa paghaharap ng tao at hayop sa iba’t ibang challenges.

Kasama sina Sheena Halili at Chariz Solomon, malalaman na kung hanggang saan ang mararating ng human being at mga hayop sa pakikipagtagisan gamit ang kanilang lakas, determinasyon at kakayahan – mula hotdog-eating contest hanggang obstacle race.

Samahan si Chris at tuklasin kung sino nga ba sa pagitan ng tao at hayop ang magwawagi sa kakaibang tagisan at labanan ng lahi. Subaybayan ang four-episode presentation na ito ng GMA sa pakikipagtulungan ng Fox Television.

Ka-back-to-back ng Spooky Nights Presents: Bampirella, ang Man vs. Beast ay eere pagkatapos ng 24 Oras Weekend tuwing Sabado simula ngayong gabi.

Show comments