Mga eksena sa Dwarfina tumitindi

MANILA, Philippines - Makakatakas si Yna (Heart Evangelista) sa pamamagitan ni Elvin at mahihiwalay siya sa mga ito. Makakabalik siya kay Lelang Gorya subalit naghihintay pala sa kanyang pagbabalik si Romera. May gagawin si Romera para pigilan si Yna na bumalik sa kaharian at dahil dito’y magagalit si Yna kay Elvin.

Magtatagumpay si Lyndon (Dennis Trillo) sa tungkuling ibinigay sa kanya ni Lucille at dahil dito’y ibibigay ni Marissa ang pamamahala ng kumpanya sa kanya. Tanggapin kaya ni Lyndon ang alok ni Marissa?

Dahil sa kalagayan ni Kardo, magdedesisyon si Marissa na tapusin na ang buhay ni Kardo. Kasabay naman nito’y magagawa na ni Lelang Gorya ang gamot na kinakailangan para gumaling si Kardo. Abutan pa kaya ni Yna na buhay ang kanyang ama o maging huli na ang lahat?

Lahat ng ‘yan sa pagpapatuloy ng matitinding eksena ngayong gabi sa Dwarfina sa GMA 7.

Show comments