Shalala walang respeto sa pinagmulang show!

Dingdong Dantes, game na game nang gumanap na bakla?! Kung sabagay wala namang big deal dito. Kung tunay kang artista, dapat handa kang gampanan lahat ng role na darating sa iyo. Huwag kang mag-inarte dahil kung aayaw ka, meron at merong tatanggap na iba.

*   *   *

Bakit may isyu na hiwalay na ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza? Eh nakikita ko naman na very sweet sila at happy ang marriage. I’m sure hindi sila nagkukunwari lamang kapag kaharap ako. No need to pretend dahil hindi naman ako pakialamero. Pero siyempre tatanungin ko sila.

Kung tsismis lang ito, sino naman ang nagkakalat at bakit gustong sirain ang pagsasama nila? Napagdaanan na nila ito at tahimik naman sila sa kanilang buhay.

*   *   *

Nakikiramay ako sa maagang kamatayan ng komedyanteng si Tomas Gonzales. Natagpuan itong patay sa kanyang kuwarto ng kanilang taha­nan, matapos atakihin sa puso. Walang foul play, talagang may sakit na siya sa puso ng ganito kaaga.

Malaking kawalan si Tomas sa mundo ng pagpapatawa hindi lamang dahil sa kagalingan niya kundi dahil sa kabaitan nito. Lahat ay may magandang sinasabi tungkol sa kanya. At mabuti itong provider sa kanyang pamilya.

Inaalok sana akong kunin siya para makapalit ni Shalala sa aking radio program at maging sa Walang Tulugan, pero tumanggi ako dahil magkasunod ang programa niyang Comedy Bar at ang Walang Tulugan. Sabi ko hindi healthy. ’Yun pala mawawala rin siya agad!

Nabanggit na rin lang si Shalala, totoo ba ’yung mga nababasa ko sa ilang mga entertainment columns na sinabi mong walang nanonood ng Walang Tulugan?

Nagawa mo ito, Tolits? Kahit ba naman konting respeto wala ka na para sa show na pinagsimulan mo? Ang bilis mo namang magbago. Mas matatanggap ko na hindi mo ako banggitin at maging ang mga programa ko, pero para laitin ito. I will not take it from you! Saan ako nagkamali sa iyo, Shalala?

Show comments