Seen : Ang paglilinaw ni Marian Rivera na bumibili siya ng grocery items sa Rustan’s Rockwell, hindi sa Rustan’s Shangri-La Mall dahil nakatira siya sa Rockwell area.
Mali ang detractor ni Marian na nagsabi na nakita siya na namimili at nagsusuplada sa mga salesclerk ng Rustan’s Shangri-la Mall.
Scene : Sinimulan na ni Erik Santos ang recording ng kanyang OPM album.
Kailangan na ni Erik ng bagong hit song.
Seen : Si Rap Fernandez sa Eastwood Cinema noong Miyerkules.
Pinanood ni Rap ang Catch Me...I’m In Love bilang suporta kay Gerald Anderson, ang co-star niya sa Buhawi Jack.
Scene : Ibinibenta ni Yasmien Kurdi ang kanyang GMA Network. Inc. stock shares.
Seen : Sina Rufa Mae Quinto at Arnel Pineda ang mga celebrity passenger ng PR104, ang Manila-San Francisco flight na biktima ng bomb hoax noong Martes ng gabi.
Apat na oras na stranded sa SFO airport ang mga pasahero ng PR104.
Scene : Nabulol si Pinky Webb sa pagbigkas sa salitang kahihinatnan.
Seen : Certified blockbuster ang Catch Me...I’m In Love dahil pinipilahan ito.
Scene : Hindi matanggap ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na malakas sa takilya ang pelikula nina Sarah Geronimo at Gerald.
Puwede nang ipareha sa ibang aktres si Gerald.