^

PSN Showbiz

Phoemela gustong pagbayarin ng buwis ang mga imported models

- Veronica R. Samio -

Hindi maipaliwanag ni Isabel Oli, at maging ni James Yap, kung bakit hindi mawala ang pagli-link sa kanila. Minsan lamang silang nagkasama sa isang event at hindi na ito nasundan, pero ever since, pi­nag­papareha na sila. Dahilan kaya ito sa pareho silang single at walang commitment? At maski na ang iti­nuturing na ex na ni James, kahit hindi pa bumababa ang kanilang annulment, na si Kris Aquino, ay nag­sabi na ng pagsang-ayon sa kung anumang relas­yon meron ang dalawa, pero sina Isabel at James din mismo ang nagsasabi na friendship lamang ang namamagitan sa kanila.

Marami ang naniniwala na itinatanggi ng dalawa ang relasyon nila dahil di pa annulled si James. Hintayin daw natin na ma-annul ito at aamin din sila.  

* * *

May pulitika na rin ba behind the proclamation of the Box-office King & Queen titles? Naunang napaba­litang sina Vic Sotto at Bong Revilla ang nanalo bilang box-office king.

 Una ring sinabi na si AiAi delas Alas ang mananalo dahilan sa itinalang record ng kanyang pelikula sa 2010, lalo na ang Ang Tanging Ina Last Na ‘To, pero bigla na namang may lumabas na tila hindi si AiAi ang mabibigyan ng award kundi ang kapamilya niyang si Toni Gonzaga.

Kukuwestiyunin ba ito ni AiAi lalo’t concerned din si Toni? Siyempre hindi. May pride din naman siya. Ibinibigay lang ang award, tumatanggap lang siya. Kung ibigay sa kanya, eh ‘di salamat. Kung hindi naman, walang mawawala sa kanya. Ang hindi lamang siguro dapat mangyari eh ‘yung nasabihan na siya at pagkatapos eh babawiin. Foul na ‘yun. 

* * *

Mukhang malaking kabutihan para sa mga local na modelo ang pagkakahalal kay Phoemela Ba­randa bilang pangulo ng Philippine Models Association of the Philippines (PMAP) dahil layu­nin nito na makagawa ng mga bagong batas para sa proteksiyon ng mga tulad niyang local na modelo at para rin maiangat ang kanilang propesyon.

Ang layunin niya ay bunga ng ta­gumpay na tinatamasa sa ating bansa ngayon ng mga ban­yagang modelo na dumarating at na­aagawan pa ng trabaho ang mga mode­long Pinoy. Gusto na­­­man niyang matulungan sila at mapangalagaan ang ka­ni­lang trabaho na naagaw nga ng mga banyaga hindi dahil sa mas magagaling sila kundi dahil sa mentalidad ng Pinoy na anumang bagay na imported ay mas magaling kaysa sa lokal.

 “We should create a fair law, pagbayarin sila ng taxes sa kanilang kinikita rito,” sabi niya.

Mabuhay ka, Phoemela! 

ANG TANGING INA LAST NA

BONG REVILLA

KRIS AQUINO

PHILIPPINE MODELS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PHOEMELA BA

PINOY

SHY

TONI GONZAGA

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with