Bianca Gonzalez, napiling tagabasa ng libro

Noong Sabado ay sinuportahan ni Bianca Gonzalez ang Teaching, Learning and Caring o TLC project ng DZMM.

Napili si Bianca upang maging book reader sa nasabing event para sa mga kabataan ng Bayanan, Muntinlupa.

Ayon kay Marah Capuyan, station manager ng DZMM ay si Bianca ang kanilang napili dahil maayos itong magsalita at magaling sa storytelling. “Sinabi nila na ako ang first non-DZMM anchor na mag-bookreading, siyempre natuwa ako. Actually, gustung-gusto ko yung bookreading na ganito, nakikita mo at nase-share mo sa mga bata yung simple stories na may moral lesson,” pahayag ni Bianca.

Album ni Angeline Quinto humahataw

Ngayon ay nangunguna sa mga record bars ang first ever album ng Star Power first female superstar na si Angeline Quinto.

Sikat na sikat kasi ang kanyang kantang Patuloy Ang Pangarap na ginawa ring theme song ng teleseryeng Maria La Del Barrio.

Labis na nagpapasalamat si Angeline dahil sa tagumpay na kanyang tinatamasa sa kasaluku­yan. “Nabalitaan ko po na sobrang naging number one ‘yung album, sobrang thank you po. Sobrang maraming salamat po sa inyong lahat. Kung ano ‘yung ipinakita ninyong suporta, nakatataba ng puso iyon, kaya pagbubutihin ko pa po ang trabaho ko. Nagpapasalamat ako sa Panginoon, wala rin naman po ito kung hindi dahil sa Kanya,” emosyonal na pahayag ni Angeline.

Kamakailan ay nakapag-shoot na rin ang baguhang singer ng kanyang kauna-unahang music video para sa kantang Patuloy Ang Pangarap, na-enjoy daw ni Angeline ang nasabing shoot. “Ang concept po ng music video na ginawa namin, kung paano ka nag-umpisa. Talagang ipinakita dito sa music video na talagang walang imposible na mangyari. Katulad ko po na nangarap dati, para sa mga nangangarap ngayon. Kung paano ako nagsimula hanggang ngayon. Sana ay hintayin ninyo po yung music video na ginawa namin dahil pinaghirapan namin ito, sana po ay magustuhan ninyo,” kuwento pa ni Angeline.

K Brosas may kampanya laban sa HIV

Kamakailan ay sumailalim sa isang H.I.V. test ang komedyanteng si K Brosas.

Para ito sa pagsuporta niya sa Take The Test H.I.V. testing campaign. “Nakaka-tense ‘yung waiting, na ano ba iyan, pero may kasulatan na negative ka alam mo ‘yun? Sobrang relieved after, ang aming advocacy ay para sana sa lahat hindi ka man sexually active or active. Naalarma rin ako na sobrang taas ng bilang ng may H.I.V. at pabata nang pabata, as young as six years old, gusto kong malaman ng tao, just take the test,” maikling pahayag ni K.  Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments