^

PSN Showbiz

Lindol hindi umepekto kay Marian

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Tinanggap na ni Marian Rivera ang alok na maging leading lady ni Sen. Bong Revilla, Jr. at malapit nang magsimula ang kanyang shooting.

May mga nang-intriga sa filmfest entry nina Marian at Bong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) pero hindi nagpaapekto ang dalawa dahil tuloy na tuloy na ang pagsasama nila sa pelikula na kasali sa MMFF 2011.

Totoo ang ikinuwento ni Marian sa presscon ng Bampirella na tinawagan ko siya sa telepono tungkol sa offer ni Bong. Obvious na maganda ang resulta ng aming pag-uusap dahil kasali na siya sa cast ng Panday 2.

* * *

Malakas ang lindol sa Metro Manila noong Lunes. Naramdaman ng mga early birds sa presscon ng Bampirella ang paggalaw ng paligid dahil nasa 17th floor sila ng GMA Network building.

Hindi naramdaman ni Marian ang lindol na yumanig sa Metro Manila dahil nasa loob siya ng sasakyan at papunta pa lamang sa presscon venue.

 Ang baguhang aktor na si Mikael Daez ang love interest ni Marian sa Bampirella. Silang dalawa rin ang magkapareha sa Amaya, ang epic serye ni Marian na mapapanood sa May 2011.

Ang say ni Mikael, hindi siya na-intimidate kay Marian dahil mabait ito at supportive. Management graduate sa Ateneo University si Mikael at suportado ng kanyang pamilya ang pagpasok niya sa showbiz.

Twenty-three years old na si Mikael noong Jan. 6. Nangako siya na pag­huhusayan ang pag-arte para hindi masayang ang malaking oportunidad na ibinigay sa kanya ng GMA 7.

* * *

Hindi man matutuloy ang renewal of vows nina Bong at Rep. Lani Mercado sa Glendale, California, kukunan pa rin ng GMA 7 ang chapel sa Forest Lawn na pinagkasalan sa kanila noong 1986 dahil isasama ito sa wedding special nila na mapapanood sa Kapuso Network.

Magpapakasal uli sina Bong at Lani sa May 28 bilang pagdiriwang sa kanilang silver wedding anniversary. Ang magpakasal sa Forest Lawn Chapel sa May 10 ang original plan ng mag-asawa pero nagbago ang lahat dahil sa mga trabaho nila sa senado at kongreso na hindi puwedeng iwanan.

Ang renewal of vows nina Bong at Lani sa May 28 ang siguradong isa sa mga malalaking event na mangyayari sa pinagsama na mundo ng showbiz at pulitika.

* * *

Hindi naman pala malaswa ang sexy pictorial ni Bianca Paz, ang girlfriend ni Andrew Wolff na natsugi sa 2011 Binibining Pilipinas contest.

Lumabas ang mga litrato at ang video ng sexy pictorial matapos na i-disqualify si Bianca ng organizer ng Bb. Pilipinas contest. Ang video at ang mga litrato ang ebidensiya na walang malaswa sa pictorial ng girlfriend ni Andrew pero hindi na mababago ang desisyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI).

Sila ang may pa-contest kaya may karapatan sila na tanggalin ang mga kandidata na inaakala nila na makasisira sa reputasyon ng Bb. Pilipinas.

Natsugi man siya sa Bb. Pilipinas beauty pageant, puwede pa si Bianca na mag-apply sa Miss World Philippines contest na kakumpitensiya ng BPCI.

vuukle comment

ANDREW WOLFF

ATENEO UNIVERSITY

BAMPIRELLA

BIANCA

BIANCA PAZ

BINIBINING PILIPINAS

METRO MANILA

MIKAEL

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with