Maja palaban na sa paseksihan!

Isang kakaibang Maja Salvador ang nakita sa isang sexy photoshoot na naganap kamakailan para sa pinakabagong ABS-CBN Interactive mobile service na Hotshots.

“Gusto kong maipakita sa lahat na kaya ko, na meron din akong ibubuga, ha ha ha!” pahayag ng  Minsan Lang Kita Iibigin star. Dagdag pa ng da­lagang aktres, “Ang sabi ko nga, basta okay ang team, go tayo! Dapat kasi bilang artista flexible tayo di’ba? Dapat ‘di natin nili-limit ang sarili natin sa ga­nito lang.”

Hindi maitago ni Maja ang kanyang pagka-excite habang todo posing sa kanyang pictorial. Sa isang partikular na layout, kinailangan ni Maja na magsuot ng revealing na itim na one-piece swimsuit. Ginulat ni Maja ang lahat nang isuot niya ito with confidence habang hindi nawawala ang kanyang ‘Maja charm.’

Nang tanungin si Maja kung feeling niya ba ay seksi siya, napatawa ito ng malakas at sabay sabi ng, “Kakaloka ha! Minsan? Char! Ha ha ha! Iba-iba naman ang meaning ng sexy eh. Siguro ang sexy para sa akin yun pag may confidence ka. Kung kaya mong dalhin ang sarili mo.”

Ang Hotshots ay isang mobile service kung saan ang isang subscriber ay maaaring maka-download ng MMS pictures ng Ka­pa­milya stars sa ka­nilang sexiest look.

I-text lamang ang HOT ON sa 2366 at agad nang makaka-receive ng sexy MMS photos ng inyong paboritong Kapamilya artist. Maaaring mamili ang mga subscribers kung anong klase ng larawan ang nais nitong matanggap. Mag-reply lamang kung Hunks, Babes or Both.

May kapangyarihan din ang subscribers na magsabi kung maganda ba ang kanilang natanggap na litrato. Boboto lamang sila sa pamamagitan ng pag-text ng Likes, Yikes, or So-so <space> your comment. Ang bilang ng mga boto ay lalabas sa PUSH.com.ph <http://PUSH.com.ph>

Ang ilan pang mga artista na kasama sa nabanggit na mobile service ay sina Gerald Anderson, Erich Gonzales, Matteo Guidicelli, Maja Salvador, Jake Cuenca, Melissa Ricks, Rayver Cruz, Megan Young, Enrique Gil, Empress Schuck, Arron Villaflor, Jessy Mendiola, at iba pang Kapamilya stars.

* * *

Dahil sa mga nakaraang kalamidad at delubyo na su­malanta sa ating mundo, isang linggong maghahatid ng mga napapanahong kaa­laman tungkol sa ating kalikasan si Richard Gutierrez sa Anatomy of a Disaster na nagsimula kagabi at tatagal hanggang sa Biyernes sa GMA Telebabad.

Bago niya gampanan ang Pinoy superhero na si Captain Barbell ay pagtutuunan muna ng pansin ni Richard ang kaniyang commitment bilang isang environmental advocate.

Itinampok sa una nitong epi­sode ang mga pangyayari sa likod ng dalawang record-breaking earthquakes sa New Zealand at Japan na parehong lumikha ng walang-sinlawak na pinsala. Itinampok din ang pag-iimbestiga ni Richard sa likod ng kumakalat na balitang paglindol sa ating bansa at inalam niya kung paano maiiwasan ang sakunang maaaring ihatid nito.

Ngayong Martes, March 22, tatalakayin naman sa docu-series ang pinsalang dulot ng rumagasang daloy ng baha. Babalikan ni Richard ang kanyang di-malilimutang karanasan noong bagyong Ondoy. Aalamin din niya kung anong mga hakbang na ang isinagawa upang masigurong ‘di na ito muling mararanasan sa hinaharap.

Susunod namang pag-uusapan sa AOAD ang peligrong dala ng pagputok ng bulkan. Ano ba ang iba’t ibang uri ng bulkan at ang epekto nito sa komunidad? Babalikan din niya ang makasaysayang pagputok ng Mt. Pinatubo mula mismo sa mga naninirahan malapit dito.

Sa episode tungkol sa urban inferno o sunog sa Huwebes, March 24, kakapanayamin ni Richard ang ilang fire fighting experts upang hingan ng mga tips upang iwasang magka-sunog. 

At sa Biyernes, March 25, ang init at bagsik ng magma naman ang sisiyasatin sa AOAD. Alam niyo ba na may tatlumpo’t pitong bulkan na matatagpuan sa Pilipinas, at kalahati nito ay maituturing na active o may dalang peligro? Tunghayan din kung paano buong tapang na binisita ni Richard ang Taal Volcano na noon ay nasa alert level 1 ayon sa PHIVOLCS.

Show comments