Wala pang ending ang issue kung sino ba talaga ang nanalong box office king and queen sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Nauna nang napabalita na nag-tie sina Sen. Bong Revilla at Vic Sotto at box office queen si AiAi delas Alas.
Sina Bong at Vic para sa pinagsamahan nilang pelikula na Si Agimat at si Enteng Kabisote na nag-numero uno sa 2010 Metro Manila Film Festival habang si AiAi ay para sa Tanging Ina Mo, Last Na ‘To na pumangalawa sa pelikula ng dalawang higanteng aktor at nagbigay sa kanya ng best actress award.
Pero itinuwid ito ng isang voting member ng Foundation at sinabing hindi pa raw sila nagbobotohan so paanong magkakaroon na ng resulta.
Naghahabol din daw ang Star Cinema dahil hindi pa sila nakakapag-submit ng listahan ng mga pelikula nilang kumita noong 2010 kaya paano raw nangyari na may nanalo na.
Ang nanay daw ni Toni Gonzaga ay naghahabol din dahil nagkaroon ng balita na ang My Amnesia Girl ang may pinakamalaking kinitang pelikula ng Star Cinema noong 2010.
This week pa lang daw magbobotohan ang mga miyembro, pero pinaninindigan ng mga nakatanggap ng advice mula sa GMMSF na sina Bong, AiAi at Vic ang sinabi sa kanyang nanalo kaya maraming naguguluhan sa issue. Pinaayos na nga raw ang schedule ng Bong para sa awards night ng GMMSF.
So ano nga bang totoo?
Kung mauudlot na naman ang pagiging box-office ni AiAi, naku hindi ito first time na mangyayari.
* * *
Akala ko ba hindi na lumalala ang piracy sa atin? Kaloka mas tumindi pa pala. Ang latest sa kanila, hindi na lang bongga ang kopya, sosyal na rin ang packaging. Lata na naka-design na ang pelikulang pinirata. Mas sosyal pa ang cover sa original copy na mabibili mo sa mga lehitimong tindahan ng mga videos.
Pag nakita mo nga ang kopya, hindi mo aakalaing pirated. Ang ganda. Ang halaga, P60 lang. Single disc, blu-ray copy pa at sosyal ang packaging na hindi basta-basta nababasag pag nahulog.
Mas malinaw na ang blu-ray copy kesa sa ordinary na DVD kaya ito ngayon ang binibili ng mga mahilig bumili ng mga piratang kopya ng pelikula na ayaw gumastos sa mahal na bayad sa sine.
* * *
Malakas-lakas ang lindol kahapon na yumanig sa maraming bahagi ng Metro Manila.
Si Angel Locsin, nag-tweet na nasa taping sila : “Stay safe guys. We’re here taping sa cave, kalurky. Pray tayo.”
Si Richard Gomez : “Naglindol kasabay ng impeachment proceeding sa congress. Hahahaha! Is this a sign or what?”
Si Rufa Mae Quinto naman, hindi niya naramdaman. “Yes lumindol pala 5.4 intensity/magnitude! Parang ‘di ko ata naramdaman.”
“Didn’t feel the earthquake. Was shooting kanina. Stay safe everyone and be alert,” sabi naman ni Carmina VillarRoel.
Si Ruffa Gutierrez, nag-tweet din : “ Everyone on set felt the earthquake but me. I think I was too engrossed on the phone. How strong was it?! Scaryyy! ?”