John Lapus lalayasan na ang Kapuso

SCENE : Ang headline ng Umagang Kay Ganda na sumuko na ang tiyo na bumaril kay John Apacible.

Scene : Pinaglalaruan na lang ng mag-asawang Jacinto at Erlinda Ligot ang mga senador at ang sambayanang Pilipino sa kanilang mga sagot na “I invoke my right to self-incrimination” sa senate inquiry.

Seen : Sa Linggo ang schedule ng cremation sa labi ng character actor na si John Apacible na namatay matapos mabaril ng tiyuhin.

Scene : Ang balita na may tempting offer kay John Lapus ang TV5 at tatapusin na lamang ni John ang kontrata niya sa GMA 7.

Seen : Tupok na tupok ang bahay nina Heart Evangelista sa Carmona, Cavite. May pananagutan ang kapit-bahay na madalas na pinagsasabihan na itigil ang pagsusunog ng kawayan. Inilipad ng malakas na hangin sa bahay nina Heart ang apoy na naging sanhi ng pagkatupok nito.

Scene : Makapanindig-balahibo at nakakabahala ang coverage ni Paolo Bediones sa lindol at tsunami na nanalanta sa Japan at ipinalabas sa programang USI ng TV5 noong Linggo.

Seen : Ipinakikilala sa Bampirella si Mikael Daez, ang model/aspiring actor na leading man ni Marian Rivera sa Amaya.

Scene : Katulad ng sinabi ni Kris Aquino, wala si Phillip Salvador sa graduation ng anak nila sa Multiple International Intelligence School noong Linggo. Binigyan si Joshua Aquino ng loyalty award.

Show comments