^

PSN Showbiz

Pagpatay kay John Apacible wala pang linaw

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio -

PECK : Si Isabelle Daza pala ang pinag-iisipang ipalit kay Heart Evangelista kung sakali sa Temptation Island kung natuloy ang pag-back out ng huli.

Hindi na sana tutuloy sa bagong project na ito ng Regal Entertainment, Inc., at GMA Films, pero maaaring napakiusapan na naman si Heart kaya tuloy na naman ito.

Napag-alamang nag-pictorial na sila kahapon, na mismong si Raymond Gutierrez ang nag-ayos dahil siya pala ang creative consultant ang naturang project.

PAK! : Masamang-masama ang loob ng isang young actress-comedienne sa isang TV personality dahil nakarating sa kanyang sinisiraan siya nito.

Kinuwento nitong TV personality na mabaho ang hininga ni young actress-comedienne. Nakarating sa kanya ang paninira ng TV personality kaya nagalit ito at nalaman ng mga kapatid niyang sanggano.

 Isang linggo siyang hindi lumabas ng bahay dahil binabalak ng mga kapatid nitong bugbugin si TV personality. Binabantayan niya ang mga kapatid dahil baka may masamang gawin sila sa TV personality.

Nagtataka siya kung bakit ipinagkakalat nitong mabaho ang hininga niya, hindi naman naamoy nitong kaibigang TV personality.

BOOM : Marami ang nagulat sa biglang pagpanaw ng hunk na character actor na si John Apacible kahapon.

Ayon sa balitang nakarating sa amin, nabaril ito ng kanyang tiyuhin na kainuman niya.

Ang kasintahan nitong si Anna Leah Javier ang nagbalita sa manager ng aktor na si Leo Dominguez.

Hindi pa malinaw ang kanilang kuwento kung ano talaga ang nangyari dahil parang tulala pa si Anna Leah at hindi pa nagsi-sink na wala na ang actor boyfriend.

ANNA LEAH

ANNA LEAH JAVIER

AYON

HEART EVANGELISTA

ISABELLE DAZA

JOHN APACIBLE

LEO DOMINGUEZ

RAYMOND GUTIERREZ

REGAL ENTERTAINMENT

TEMPTATION ISLAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with