MANILA, Philippines - Larawan ng proud uncle si Presidente Benigno S. Aquino III sa graduation ceremony ng pamangking si Joshua sa elementary level ng Multiple Intelligence International School (MIIS) na ginanap sa University of the Philippines Film Center kahapon.
Ganoon din siyempre si Kris Aquino, ang mommy ni Joshua na kasama sa stage nang batiin ng guro ang huli.
Sa speech ni P-Noy, sinabi nitong masaya ang buong pamilya ni Joshua kabilang na ang mga tiyahin nito. Nagpapasalamat din ang pangulo sa mga teachers ng eskwelahan para sa kanilang sakripisyo.
“We are all very proud that Josh is graduating today. I am sure my mother is looking so fondly on my nephew’s graduation today and I would like to thank all of the faculty and all of the teachers for really having done so much to improve him,” sabi ni P-Noy.
Malaki rin ang pasasalamat ni Kris sa achievement ng panganay na anak dahil nakita niya ang malaking nagawa ng pag-aaral sa buhay ni Joshua.
“Proud ako siyempre kasi when he started sa MIIS, parang hirap na hirap siyang magsalita. Hirap na hirap sa sentence construction, kahit sa eye contact and in the past, 10 years na nandito kami talaga, ang laki-laki ng kanyang improvement,” pahayag ni Kris.
“I’m so grateful to them (MIIS) kasi alam ko na ngayon he is equipped with enough skills para mabuhay siya ng maayos.”