Mga pelikula ni Goyena ipalalabas sa Cinema One

MANILA, Philippines - Inihahandog ng Ci­ne­ma One ang mga pe­likula ni Jose “Pinggoy” Revilla Jr., o mas kilala bilang si Armando Goyena, simula bukas, Marso 21 hanggang Mar­so 25, 3:00 p.m.

Ilan sa mga pelikula ni Goyena na talaga namang tumatak at mapapanood sa Cinema One ay ang Eskapo (Marso 21), Pag-asa (Marso 22), Mahal Kita Walang Iba (Marso 23), Sa Tokyo Ki­nasal  (Marso 24) at Yamashita The Tiger’s Treasure (Marso 25).

Kamakailan lang ay su­makabilang-buhay si Goyena, 88, matapos mag­tamo ng sakit na pulmonary embolism.        

Ang Cinema One ay available sa SkyCable Gold, Silver at iba pang quality cable operators nationwide.

Show comments