Baby James ipinaaaway si Isabel sa kanyang Mommy Kris
MANILA, Philippines - PECK : Medyo hirap si Carlene Aguilar sa kanyang pagbubuntis kaya pinag-iisipan nitong magpahinga muna sa trabaho.
Nagka-spotting siya nung nakaraang linggo kaya pinayuhan ito ng kanyang doktor na magpahinga muna.
Pinagbawalan itong magbiyahe ng malayo kaya pakikiusapan nito ang Mutya na tapusin na lang siya para tuluy-tuloy na ang kanyang pagpapahinga.
PAK : Ayaw na ni Kris Aquino na magkomento tungkol sa napabalitang pagkakamabutihan diumano nina James Yap at Isabel Oli. Nangako na raw siya kay James na hindi na siya magsasalita tungkol sa issue, pero kung ano raw ang makakapagpasaya sa dating asawa, masaya na lang daw siya.
Pero ang anak naman nilang si Bimby ang nagbuking na si Isabel daw talaga ang girlfriend ng kanyang Papa.
Sa exclusive interview ni Ricky Lo sa mag-ina na napanood sa Startalk kahapon, tinanong ni Kuya Ricky si Bimby kung may girlfriend ba ang kanyang Papa. “Isabel” ang sagot ni Bimby.
Ayaw daw niyang makilala ang “Isabel” na binanggit niya.
Nang tinanong naman ni Kuya Ricky si Kris kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling magkasalubong sila ni Kris. Hindi ito sumagot pero biglang sumingit sa usapan si Bimby at sinabi nitong “Away-away Mom…” Naloka si Kris sa sagot ng anak!
BOOM : Hindi na nagulat si Alfred Vargas sa lumabas na huling interview kay LJ Reyes na kinuwento nitong nagkita sila ni Alfred sa Eastwood at ipinakilala raw nito si Yasmine Espiritu na wife niya.
Noon pa man ay hindi na itinanggi ni Alfred na kasal na sila ng non-showbiz girlfriend niyang si Yasmine.
Nung nakaraang taon pa sila ikinasal sa huwes at nagkaroon din ng ceremony sa Italy kung saan naka-base si Yasmine at ang pamilya nito.
Ang inaayos ngayon ni Alfred ay ang kanilang church-wedding na gagawin dito sa Pilipinas.
Dapat ngayong taon pero kamamatay lang daw ng kanyang ama, kaya sa susunod na taon na raw nila ito gagawin. (
- Latest