Mayaman, guwapo, sikat, marunong kumanta at champion go kart racing, mabait, saan ka pa. ‘Yan si Matteo Guidicelli na ngayon ay kinakikiligan ng maraming kababaihan.
Lahat na yata ng puwedeng hanapin sa lalaki nasa kanya na. Tapos meron pa siyang isang nanay-nanayan na tulad ni Tita Virgie Ramos na distributor ng Swatch watches sa bansa na nagmamahal sa kanya bilang isang tunay na anak, nasa kanya na nga lahat.
Kahapon, binigyan siya ng birthday blowout ni Tita Virgie sa Cerchio restaurant. Sa March 26 pa ang actual birthday niya, pero kahapon ay nakipagtsikahan na siya sa ilang movie writers.
Love triangle sila nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson sa pelikulang Catch Me... I’m in Love na ipalalabas na next week.
Bukod sa nasabing pelikula, meron pa silang indie film ni Maja Salvador, and soon sisimulan na nila ni Kim Chiu ang Binondo Girl. Yup, siya ang bagong ka-partner ni Kim sa sisimulan nitong teleserye sa Dos. Bukod dun, regular pa siya sa ASAP. “Ang suwerte ko po talaga, ang daming blessings,” sabi ni Matteo.
Hindi siya nakaligtas nang tanungin ang isyu na mukhang siya ang type ni Mommy Divine, nanay ni Sarah Geronimo na maging boyfriend ng anak since nag-deny siya sa issue na silang dalawa na ni Maja Salvador. “I’m a big fan of Sarah,” pag-amin ni Matteo. “Kasama ko kanina si Mommy Divine sa shooting namin,” dagdag niya na natatawa.
So puwede kayang maging sila ni Sarah?
Tipo niya sa babae : talented, Pinay mixed with something else, respectable, loves God, active, adventurous and sporty.
Pasok sana sa lahat si Sarah except sa walang halong something else si Sarah or si Maja kaya.
Nakatatlong girlfriend na ang bagong matinee idol pero pawang mga hindi taga-showbiz. Hindi na siya nag-elaborate kung kelan sila nag-break ng huling karelasyon niya.
Isa rin si Matteo sa mukha ng Swatch.
“I started as a kart racer then Joji Dingcong took me to meet Tita Virgie. He had me wear a pink shirt and had my hair straightened. I wasn’t feeling very comfortable with my look… but somehow, I managed it. Then after a few weeks, I had my first shoot with Swatch at the racetrack which was an unforgettable experience.
“After that, Tita Virgie and I became super close. I won the Philippine Championship and Tita Virgie organized this big party for me at the Glorietta store. She’s super supportive… She became a second mom to me.”
At sa kanyang 21st birthday, he also celebrates another lucky symbol – the number 7, as this is his 7th year as a Swatch endorser.
Lumaki si Matteo sa Cebu. Major exporter sa Japan, the United States and Europe ng wooden accessories and novelties ang kanyang pamilya.
In fact, ang kumpanya nila ang nag-produced ng Bruno Mars bracelets para sa nalalapit na concert nito sa bansa.
Half-Filipino, half-talian ang aktor.
Sports and hobbies : motor sports, water sports, boxing, gym, biking, running, golf, playing drums, music & singing.
Favorite actor niya sina Will Smith, Jamie Fox, Robert DeNiro and Harrison Ford.
Pero kahit galing sa mayamang pamilya, gusto niya talagang mag-trabaho.
Naging Kapuso siya for one month. Naging host siya sa SOP. And then umalis siya ng bansa para ideretso ang pag-aaral. Pero talagang gusto niyang mag-showbiz. Ramdam niya na gusto niyang magtrabaho kaya bumalik siya ng ‘Pinas. Doon na siya napasok sa ABS-CBN.