Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar nag-iimbita

MANILA, Philippines - Alam n’yo ba na maraming mga artistang sobrang busy sa kanilang showbiz commitments ang gumagamit na rin ngayon ng tinatawag na “personal shopper”? 

Hangad ng Manila Broadcasting Com­pany na iangat ang antas ng “personal shopping” bilang uri ng sining sa muling pagkakaroon ng Aliwan Fiesta Shoppers Bazaar sa ika-14 hanggang ika-16 ng Abril sa Sotto Street ng CCP Complex sa Pasay. 

Inaanyayahang magtayo ng booth ang mga nagtitinda ng iba’t ibang pro­duk­tong galing sa mga lalawigan –maging handicraft, pananamit, fashion accessory, katutubong habi, mga prutas at kakanin, o kahit gamit sa bahay. Ang mga kooperatiba, tribal showroom, at mga NGO na kasali sa kampanyang One Town, One Pro­duct ng Department of Trade and In­dustry ay partikular na inaasahang lalahok.

Ang mga interesado sa Aliwan Fies­ta Shoppers Bazaar ay maa­aring makipag-ugnayan kay Teray Rivas sa telepono bilang 832-3249 at 408-9092.  

Show comments