Powerful showbiz personality na sangkot sa malaking kontrobersiya takot mawasak ang pamilya

Sangkot sa malaking kontrobersiya ang isang powerful showbiz personality pero walang reporter na maglakas-loob na tanungin siya dahil afraid sila.

In fairness, mabait ang powerful showbiz personality at dahil kilala ko siya, alam ko na ide-deny niya ang isyu na ipinupukol sa kanya. Hindi siya puwedeng umamin dahil hindi makakatulong sa kanyang image at maraming tao ang madadamay. Hindi pinangarap ng powerful showbiz persona­lity na mawasak ang pagsasama ng isang pamilya kung aaminin niya ang katotohanan ’no!

Mommy Dionisia  may impostor  sa Twitter

Walang Twitter account si Dionisia Pacquiao kaya malinaw na peke ang tao na nagpapanggap na Mommy Dionisia sa Twitter world.

Mismong si Congressman Manny Pacquiao ang nagsabi na walang Twitter account ang kanyang mommy dearest na katulad ko rin yata na hindi marunong mag-text sa cell phone.

Ayaw ni Manny sa mga tao na nanloloko ng kapwa kaya umapela siya sa mga impostor na huwag gamitin si Mommy Dionisia.

Anak ni Jolo naudlot ang unang trip sa Amerika

Hindi pa sinasabi nina Sen. Bong Revilla, Jr. at House Representative Lani Mercado ang bagong date at venue ng kanilang renewal of vows sa May.

Tulad nang ibinalita ko kahapon, kanselado na ang original plan nina Bong at Lani na muling magpaka­sal sa Glendale, California sa May 10 pero matutuloy ito sa Pilipinas.

Kung hindi nakansela ang US wedding, first time sana ni Gab na makarating sa Amerika. Si Gab ang anak ni Jolo Revilla na nabigyan ng 10-year visa ng US Embassy at isa siya sa mga abay sa renewal of vows ng kanyang lolo at lola.

Kahit hindi pa nagbobotohan ang mga miyembro ng Guillermo, Aiai kundisyon na ang utak na siya ang Box-office Queen

Type ko ang sagot ni AiAi Delas Alas na siya talaga ang Box-Office Queen ng 2010, kesehodang hindi pa nagbobotohan ang mga voting members ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Nakakundisyon na ang utak ni AiAi na siya ang tunay na winner dahil sa milyones na kinita sa takilya ng Ang Tanging Ina Mo Last Na ’To.

Knowing AiAi, hindi siya papayag na maagaw sa kanya ang Box-Office Queen title na napanalunan na rin niya ng maraming beses.

Mag-asawang Donaire endorser ng mariko

Katsikahan namin kahapon ng entertainment press ang mag-asawang Nonito Donaire, Jr. at Rachel dahil ipinakilala sila bilang endorser ng Mariko Skin & Body Center.

Matagal nang mamamalagi sa Pilipinas ang couple kaya mapapadalas ang pagpunta nila sa Mariko Skin & Body Center na maraming branch sa Metro Manila.

Maalaga sa katawan at balat si Rachel. Siya ang tipo ng babae na magpapaalala kay Nonito ng schedule ng pagpunta nila sa Mariko.

Show comments