In fairness to Aljur Abrenica, hanggang sa kahuli-hulihang episode ng Machete ay hindi niya pinabayaan ang kanyang role. Umaakting pa rin siya, hindi kinakitaan ng katamaran o katamlayan, lalo na ‘yung mga
Magaling pa rin niyang naitawid ang kanyang mga eksena sa dalawang aktres. Sayang nga at hindi nabigyan ng sapat na panahon ang tatlong character nina Dakila, Jessa, at Aginaya na mas makilala pa ng manonood.
* * *
Bakit naman kung kailan may pelikulang lalabas si Sarah Geronimo at saka ako nakakabasa ng mga negative write ups tungkol sa kanya. Ayaw nina Sharon Cuneta at Judy Ann Santos na inaapi n’yo ang kanilang bunsong ‘kapatid.’ Mananagot kayo sa kanila.
Mabuti na lang at mas maganda ang mga trailer na napapanood para sa kanyang movie with Gerald Anderson kaya madaling natatabunan nito ang mga bad write ups niya.
Patahimikin n’yo na ‘yung isyu niya with Cristine Reyes and Rayver Cruz, let them move on. Okay na sina Cristine at Rayver. I-pray n’yo na makita na ni Sarah ang right guy for her para maging okay na rin siya.
* * *
Sana magdala rin ng suwerte kina Arci Muñoz at Ritz Azul ang pagsusuot nila ng kamison sa kanilang serye sa TV5. Ginawa ito ni Mother Lily sa kanyang mga Regal Babies. Naging effective ito sa kanila at maging sa kanyang kumpanya.
Hindi ako magtataka kung nag-react man dito ang ama ni Arci. After all, 16 years old lang si Arci. Ewan ko lang ang parents ni Ritz dahil 17 lang din ito.
Pero siguro, kailangan nilang mahirapan kumpara sa ibang cast dahil sila ang inilo-launch sa Mga Nagbabagang Bulaklak.
* * *
Akala ko, nag-iisa sa kanyang talent ang champion ng 2nd Talentadong Pinoy. ‘Yun pala, marami na rin ang nagdo-drawing gamit ang buhangin. At nakita ko ang ilan sa kanila sa Unang Hirit pero hindi kaya sila nanghihinayang na hindi sila nagkalakas ng loob na gawin ang ginawa ng TP winner?
Ang laki ng naging premyo ni Joseph at makakasali pa ito sa isang international talent competition. Di ba nakakainggit?